Wednesday, August 27, 2014

Killer ni Enzo Pastor, natimbog na

HAWAK na ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang naarestong pulis na umaming gunman sa pagpatay sa kilalang international car racer na si Enzo Pastor.


Kinilala ni QCPD-CIDU Chief Major Rodel Marcelo ang naarestong gunman na si PO2 Edgar Angel, na naaresto sa inilunsad na buy-bust operations ng mga pulis sa may Libis, Quezon City.


Sinabi ni Major Marcelo na sa kanilang isinagawang interogasyon sa nasabing pulis, tahasan nitong inamin na siya ang gunman sa pagpatay kay Pastor.


Ibinunyag din ng gunman na binayaran siya ng isang negosyante sa halagang P100,000.00 para patayin si Pastor.


Naaresto naman ng pulisya kahapon ang umano’y mastermind na negosyante sa operasyon ng pulisya na hindi pa pinangalanan ng QCPD-CIDU.


Ang pagkakaaresto sa suspek ay labis na ikinatuwa ng pamilya Pastor.


Sa inisyal na imbestigasyon, love triangle ang motibo sa pagpatay sa batikang car racer.


Napag-alaman na ang nasabing negosyante ay may relasyon sa isang Dahlia Pastor, na asawa ng car racing icon, subalit patuloy pa itong iniimbestigahan ng QCPD-CIDU.


Matatandaang noong June 12, binaril ng riding in tandem sa may bahagi ng Visayas Ave. cor. Congressional Ave. sa Quezon City si Pastor habang nagmamaneho ng truck para i-transport ang isang race car patungong Pampanga mula Batangas.


Si Pastor ang kauna-unahang Filipino na lumahok NASCAR Whelen Euroseries Open Championship race circuit. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Killer ni Enzo Pastor, natimbog na


No comments:

Post a Comment