UTAS ang isang 41-anyos na lalaki nang malapitang barilin sa ulo habang umiinom kagabi sa panulukan ng Oroqueta at Blumentritt Sts., Sta. Cruz, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Romeo Bautista, ng 2616 Aurora Boulevard, Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente alas-8:50 ng gabi sa nabanggit na lugar habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan.
Sa kagitnaan ng inuman at kuwentuhan ay bigla na lamang dumating ang ‘di nakilalang suspek at malapitang binaril sa ulo ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit.
Isinugod naman ng kanyang mga kaibigan ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) pero namatay din habang inooperahan.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment