MAKASASAGUPA ng Philippine national men’s basketball ang Iran sa mga unang round ng Asian Games basketball tournament matapos mailagay ang bansa sa grupo ng Iran sa preliminary round ng torneyo.
Naka-bracket ang Pilipinas sa Group E batay sa post sa official Twitter account ng Asian Games.
Maalalang noong nakaraang taon ay tinalo ng Iran ang bansa sa FIBA Asia Championship.
Sa ibang brackets ang Mongolia, Hong Kong, Kuwait at Maldives ay nasa Group A, habang ang Saudi Arabia, Kazakhstan, Palestine at India naman ang maglalaban sa Group B.
China at Chinese Taipei na parehong nasa Group C, Korea at Jordan sa Group D, at Japan at Qatar naman sa Group F. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment