Tuesday, August 26, 2014

Dennis Roldan, nahatulang guilty sa kidnap

NAHATULAN ng guilty ng Pasig Regional Trial Court (RTC) ang dating aktor at congressman ng Quezon City na si Mitchell Gumabao, o mas kilala sa pangalang Dennis Roldan.


Ito’y kaugnay sa kinakaharap niyang kasong kidnapping sa tatlong-taong gulang na Fil-Chinese na bata noong 2005.


Sa ruling ni Presiding Judge Rolando Mislang, guilty sa naturang pangingidnap si Roldan, gayundin ang mga kapwa akusado nito na sina Rowena San Andres at Adrian Domingo.


Na-acquit naman sa kaso ang isa pang akusado na si Octavio Garces.


Reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang parusang kahaharapin ni Roldan.


Si Roldan, 53-anyos, dating basketball player, ay ama ng young actor na si Marco Gumabao at kilalang volleyball player na si Michelle Gumabao at kapatid ng aktres na si Isabel Rivas.


Bago ang naging hatol sa dating aktor, ilang taon din siyang nakapagpiyansa simula noong taong 2006 sa halagang P500,000, hanggang sa maging isa na itong Christian minister.


Nagbunyi naman ang ilang anti-kidnapping advocates tulad ni Teresita Ang-See sa naging hatol sa aktor.


Noon pa man ay umaalma na si Ang-See matapos makapagpiyansa si Roldan na hinihinalang ginagamit ang impluwensya at koneksyon.


Ipinaderetso umano ng korte si Roldan, kasama sina San Andres at Domingo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. Gilbert Mendiola


.. Continue: Remate.ph (source)



Dennis Roldan, nahatulang guilty sa kidnap


No comments:

Post a Comment