Sunday, August 17, 2014

Comedian Jobert Austria ire-rehab

IPAPASOK sa rehab ang komedyanteng si Jobert Austria matapos tangkang mag-suicide kamakalawa.


Ito ay matapo umamin si Austria na dati na siyang napasok sa rehab dahil sa paggamit ng iligal na droga.


Samantala, itinanggi naman ni Austria na balak daw niyang mag-suicide nang tangkaing tumalon mula sa ika-anim na palapag ng Sogo Hotel sa Quezon Avenue.


Ayon sa komedyante, nais lang daw niya makakuha ng atensyon dahil naghihintay daw sa labas ng hotel ang mga nais pumatay sa kanya.


Iginiit ni Austria na may maimpluwensiyang tao ang nais pumatay sa kanya.


Ang banta raw ay may kinalaman sa relasyon nila ng kaniyang girlfriend bagama’t ang alam daw niya ay hiwalay na sa unang asawa ang kasintahan.


Nitong huli raw nalaman ang kanilang relasyon at na-ban siya sa condo ng babae. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Comedian Jobert Austria ire-rehab


No comments:

Post a Comment