Friday, August 15, 2014

Celine Dion, pagkakuha ng down payment ‘di na nag-perform

MAY ilang fan ang nadismaya nang kanselahin ni Celine Dion ang kanyang concert sa darating na Nobyembre 29 sa Pilipinas, maging ang kanyang scheduled world tour ay binura na rin lahat sa listahan. Ang rason, kailangan daw mag-focus ni Celine sa kanyang health na until now ay inflamed pa rin ang kanyang throat muscles, at kailangan ding alagaan ang kanyang asawang si Rene Angelil na kare-recover pa lang from cancerous tumor pagkatapos na maoperahan ito noong nakaraang December, at gusto rin niyang magabayan sa paglaki ang kanilang tatlong mga anak.


“I want to devote every ounce of my strength and energy to my husband’s healing, and to do so, it’s important for me to dedicate this time to him and to our children. I also want to apologize to all my fans everywhere, for inconveniencing them, and I thank them so much for their love and support,” ayon a magaling na singer.


Iniintriga naman ang kanselayong ito dahil alam daw ng sikat na singer sa buong mundo na hindi niya magagawa ang kanyang mga commitments dahil sa problema sa kanyang kalusugan pero tanggap pa rin ito nang tanggap ng down payment. Ginawa lang daw nitong milking cow ang mga producer at pagkatapos ibinitin sa alanganin.


***

MAS MAGANDA ANG BAGONG BERSYON NG IBONG ADARNA


May bagong bersyon ang Ibong Adarna. Tinanggal ni Direk Jun ang character ng tatlong prinsipe at ginawa lang niyang isa.


“Nais naming makapaghandog ng bagong pelikula, something that’s entertaining yet substantial. It’s a cut above the rest in many aspects,” ani direk.


“I’m proud dahil ako ang gumawa ng ikaapat na version. It’s an honest to goodness and sincere film. It’s worth viewers’ hard-earned money. I hope that its audience, especially the student, will feel like they are watching the adventure movie Indiana Jones,” sabi pa nito.


Base sa pagkukwento ni Mr. Urbano, itong pang-apat na version ay moderno o makabago para umaayon sa makabagong panahon. Kumbaga, inalis niya ang umay sa palabas na ito na ilang beses na ngang isinabuhay hindi lamang sa katsang telon kundi maging sa mga teatro.


Kaya imbes na sultan daw ay ginawa niyang hari, at may mga dagdag na karakter katulad ng nuno sa punso, aswang at haribon, or Philippine eagle. Matindi ang computer graphics nito na pwedeng ipantapat sa Hollywood film.


Dahil sa kakaibang dating ng project plus ang ganda ng pagkakagawa, napansin ito ng pamunuan ng National Press Club (NPC) kaya inendorso nila ito.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m., Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/Abe Paulite


.. Continue: Remate.ph (source)



Celine Dion, pagkakuha ng down payment ‘di na nag-perform


No comments:

Post a Comment