Monday, August 25, 2014

75M halaga ng shabu nasabat, 3 drug pushers tiklo

NAKAKUMPISKA ang pulisya ng 15 kilo ng hinihinalang shabu na may market value na P15-milyon sa tatlong natiklong drug pushers sa Quezon City, kaninang madaling araw, Agosto 25.


Hindi naman pumalag at sumuko agad sa mga tauhan ni Sr. Insp. Roberto Razon, hepe ng QC Police District-Anti Illegal Drugs (QCDAID) ang magka-live-in na sina Anthony Pineda at Grace Navalta, kapwa 32-anyos ng San Agustin, Novaliches, Q.C. at si Jesse Cabaguero, 37, tubong Tarlac.


Sa ulat, naganap ang buy-bust operation dakong 12:55 ng madaling-araw sa isang 24-hour fastfood chain na nasa kanto ng West Avenue at Examiner St., Barangay West Triangle, Q.C.


Ayon kay Razon, nagawa nilang makapagtransaksyon sa tatlong suspek matapos ang isang linggong panliligaw at sa pamamagitan ng kanilang isang tauhan na nagpanggap na bibili ng 2 kilo ng shabu sa halagang P10-milyon ay naikasa ang bilihan sa parking area ng isang fastfood chain sa kanto ng Examiner at West Avenue.


Pinaligiran naman agad ng (QCDAID) operatives ang Toyota Fortuner at Honda City (UNO-122) ng mga suspek matapos na magkapagbayaran sa nasabing drug deal.


Nang siyasatin naman ang loob ng isa sa dalawang sasakyan, may nakita ang mga operatiba sa compartment ng 13 kilo ng high-grade shabu na halagang P65-milyon naman. Lumalabas na ang 1 kilo ng shabu ay may street value na P5-milyon.


Ayon pa kay Razon, ang tatlong nahuling suspek ay bahagi ng operasyon ng isang Chinese national na nahuli sa Philcoa noong Agosto 8. Nakumpiskahan ito ng mahigit P15-milyong halagang shabu. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



75M halaga ng shabu nasabat, 3 drug pushers tiklo


No comments:

Post a Comment