PATAY ang dalawang babaeng pasehero ng jitney habang 12 ang sugatan sa pagbangga ng sinasakyan sa trailer truck sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling-araw, Agosto 20.
Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Maridel Sarmiento habang dead-on-arrival sa Sta. Clara Hospital si Susana Martinito, nasa hustong gulang.
Dinala naman sa iba’t ibang ospital ang iba pang mga biktima.
Hawak na ng mga pulis si Nicasio Gammad, driver ng trailer truck at Diego Herongay, Sr., tsuper ng jitney na biyaheng Sta. Maria, Bulacan-Monumento.
Sa naantalang ulat, alas-5 ng madaling-araw, binabagtas ng dalawang driver ang Northbound lane ng North Luzon Express Way at pagsapit sa sakop ng lungsod ay nawalan ng control si Herongay at sumalpok sa likuran bahagi ng dalang truck ni Gammad.
Bumagsak sa kalsada ang jitney na dahilan ng pinsala sa mga pasahero at pagkamatay ng mga biktima.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang responsable sa nasabing insidente. Rene Manahan
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment