Saturday, May 31, 2014

2 mayor babaklasin sa puwesto ng COMELEC

DALAWA namang alkalde ang napipintong pababain sa puwesto ng Commission on Election (Comelec) dahil sa pamimili ng boto noong nakaraang eleksiyon.


Kinilala ang dalawa na sina Norzagaray, Bulacan Mayor Alfredo Germar at Benedict Calderon, alkalde ng Roxas, Isabela.


Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, susunod ang dalawang alkalde sa patatalsikin ng ahensya matapos i-disqualify si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa overspending noong nakaraang eleksyon.


Una nang dinis-qualify ng Comelec First Division si Calderon ngunit naghain ito ng motion for reconsideration.


Sabi pa ni Brillantes, bago magtapos ang Hunyo ay makapagbababa na ng desisyon ang Comelec en banc.


The post 2 mayor babaklasin sa puwesto ng COMELEC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 mayor babaklasin sa puwesto ng COMELEC


Anak ni Robin Padilla niloko ni Aljur Abrenica

TAKOT nang lokohin kaya nagsalita na ang aktres na si Kylie Padilla, anak ni Robin na never na niyang babalikan si Aljur Abrenica.


Ito ay makaraang aminin ng dalaga na nakipaghiwalay sa kanya si Aljur dahil sa ibang babae habang nagbabakasyon siya sa Australia.


Ang itinuturo namang third party ay walang iba kundi si Louise delos Reyes.


Galit naman ang ina ni Kylie na si Liezel Sicangco sa ginawa ng aktor at pinayuhan ang anak na huwag nang makipagbalikan sa aktor.


The post Anak ni Robin Padilla niloko ni Aljur Abrenica appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Anak ni Robin Padilla niloko ni Aljur Abrenica


Donaire disappointed sa panalo

DISAPPOINTED si newly crowned WBA Super World featherweight Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr., sa kinahinatnan ng kanyang laban kay Simpiwe Vetyeka sa The Venetian, Cotai Arena sa Macau, China.


Bagamat siya ang nanalo, hindi aniya siya ganun kasaya dahil unanimous technical decision lang ang kanyang nagawa at hindi natupad ang pangako sa fans na gagawa ng impresibong panalo.


Matatandaang itinigil ng referee ang laban ng dalawa dahil sa kanyang sugat sa pagitan ng kaliwang mata at kilay dulot ng accidental headbutt bago ang ika-limang round.


The post Donaire disappointed sa panalo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Donaire disappointed sa panalo


23 sugatan sa pagbaliktad ng sasakyan sa Benguet

UMABOT sa 23 katao ang sugatan makaraang bumaliktad ang sinasakyang behikulo sa bayan ng Bakun sa Benguet.


Sa ulat na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naganap ang aksidente bandanag alas-8:00 ng umaga kahapon sa may bahagi ng Batanes-Gambang area sa bayan ng Bakun.


Nabatid na nagkaroon ng problema ang brake ng sasakyan at nawalan ng kontrol sa manebela ang driver na naging dahilan ng aksidente.


Kinilala ng NDRMMC ang mga nasugatan na sina Mary Anne Olcino, 16, Myra Paciteng, 16, Elsie Lifcofen, 15, Carol Saguibal, 9, Mario Talicuad, 44, Marina Baclilii, 26, Melody Talicuad, 12, Marissa Nadnasan, 11, Biana Waclin, 41, Shane Pakilo, 2, Rita Paciteng, 54, Dolica Nadnasan, 41, Dolly Digway, 42, Eliza Digway, one-month-old, Marlyn Paciteng, 27, Melio Paciteng, 55, Mac Kenry Banglig, 11, Bernadeth Nadnasan, 30, Hezron Nadnasan, 1, Alicia Olsino, 48, Nilda Aluyan, 29, Rayver Aluyan, bagong silang na sanggol at Veronica Calgo, 24.


Ang mga nabanggit na biktima ay nilalapatan ng lunas na pagmutan sa Benguet.


The post 23 sugatan sa pagbaliktad ng sasakyan sa Benguet appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



23 sugatan sa pagbaliktad ng sasakyan sa Benguet


Bagong kaso ng HIV positive naitala ng DoH

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 393 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa noong Abril 2014.


Sa pinakahuling ulat ng Philippine HIV and AIDS Registry, nabatid na mas mababa ang naturang bilang kumpara sa naitala nilang mga bagong kaso ng sakit sa nakalipas na tatlong buwan, kabilang na ang 448 bagong HIV cases nitong Enero, 2014; 486 nitong Pebrero at 498 nitong Marso.


Mas mataas naman ang April 2014 figure ng 1.3 porsiyento kumpara sa naitalang kaso noong Abril 2013, na umabot lamang ng 388.


Sa mga bagong HIV cases nitong Abril 2014, nabatid na 28 ang full-blown Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na at pito sa mga ito ang nasawi nitong Abril.


Ang 361 cases o 92 percent ng mga bagong kaso ay nakuha dahil sa pakikipagtalik, at karamihan ay mula sa men-having-sex-with-men (MSM) population (303 cases o 84 percent).


Kabuuang 47 bagong kaso naman ang mula sa hanay ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakakuha rin ng sakit dahil sa pakikipagtalik.


Natuklasan rin ng DOH na mahigit isa sa bawat apat na pasyente o 26.4% sa mga bagong kaso ang mula sa sector ng mga kabataan o nagkaka-edad lamang ng 15 hanggang 24 taong gulang.


Ayon sa DOH, ngayong unang apat na buwan pa lamang ng taong 2014 ay umabot na sa 1,825 ang bilang ng HIV cases kung saan 174 ang nagde-develop na sa AIDS cases at 44 ang patay.


Umaabot naman na sa 18,341 HIV cases ang naitala sa bansa simula 1984 kung kailan sinimulang gawing regular ng DOH ang monitoring sa sakit, kabilang rito ang 1,680 AIDS cases at 981 deaths.


The post Bagong kaso ng HIV positive naitala ng DoH appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong kaso ng HIV positive naitala ng DoH


SABOG!

NILILINIS ng mga kawani ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mahigit 100 bote ng sofdrink na nabasag matapos bumigay ang side-wing ng trak sa kahabaan ng Eleptical Road Quezon City kaninang umaga.

NILILINIS ng mga kawani ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mahigit 100 bote ng sofdrink na nabasag matapos bumigay ang side-wing ng trak sa kahabaan ng Eleptical Road Quezon City kaninang umaga.



The post SABOG! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SABOG!


Guro sa Zamboanga, kritikal sa pagtaga sa sarili

PATULOY na ginagamot ang isang guro sa pribadong paaralan nang tangkain nitong magpatiwakal sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Zamboanga City.


Sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), kinilala ang biktima na si Amor Foncardas Santiago na nagtuturo sa Pillar College Zamboanga City at residente ng Barangay Culianan ng lungsod.


Maga-alas-6:00 ng Sabado ng umaga nang madiskubre ang nakahandusay nitong katawan sa loob ng banyo at puno ng saksak sa katawan.


Ayon sa bayaw ng biktima na kinilalang si Rizalino Delos Reyes, nakita nilang lumabas ito sa kanyang kuwarto at pumasok sa banyo.


Nabigla lamang umano siya nang buksan niya ang banyo at nakita ang wala ng malay na biktima.


Kaagad ring naisugod sa pribadong ospital ng Western Mindanao Medical Center ang guro.


Ayon sa pulisya nagkaroon ng maraming tama ng saksak sa kanyang tiyan at dibdib ang biktima.


Sa inisyal na imbestigayson, lumalabas na may dinadalang problema ang biktima na nag-udyok sa kanya para magpatiwakal.


Inaalam pa nila ngayon kung walang foul play sa nangyaring insidente.


The post Guro sa Zamboanga, kritikal sa pagtaga sa sarili appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Guro sa Zamboanga, kritikal sa pagtaga sa sarili


Relief goods ‘di pinabayaang mabulok — Dinky

IDINIPENSA ni DSWD Secretary Dinky Soliman ang ulat na pinabayaang mabulok ang mga donesyon pa sa biktima ng bagyong Yolanda.


Iginiit ni Soliman na hindi totoo na hinayaan nilang mabulok ang mga relief goods at ‘di na maibigay sa mga nabiktima ng kalamidad.


Ayon kay Soliman, hindi nila kontrolado ang expiration date sa mga donasyon na galing sa ibang bansa.


Ayon pa sa kalihim, may mga relief goods umano na inihatid sa kanilang tanggapan na malapit na ang expiration date.


Dahil dito, emosyonal na pinabulaanan ng opisyal ang napaulat na sinadya umano na mabulok ang relief goods.


Sa Cebu, maraming de lata at mga juice ang nabubulok dahil sa bayarin sa storage fee.


Sa ngayon, may 47 container vans pa ang nasa Cebu International Port na puno ng mga bigas galing sa bansang Algeria na hindi pa naibigay sa mga apektado ng kalamidad.


Kahapon, dumating sa Cebu si Soliman, Lacson at iba pang opisyal para sa inilunsad na post-Yolanda rehabilitation project.


The post Relief goods ‘di pinabayaang mabulok — Dinky appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Relief goods ‘di pinabayaang mabulok — Dinky


Heavy equipments, wasak sa pagsabog sa S. Kudarat

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Lambayong PNP hinggil sa naganap na pagsabog ng bomba sa harapan ng bahay ni Barangay Poblacion Kapitan Andy Agduma sa ikinawasak ng isang heavy eqyuipment sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.


Ang pagsabog ay kinumpirma ni Police S/Supt. Rex Dela Rosa, provincial director ng Sultan Kudarat.


Ayon kay Dela Rosa,nagkataong wala ang kapitan sa kanyang bahay ng mangyari ang pagpapasabog at tanging anak lamang nito ang naiwan.


Sa ngayon, hinihintay din umano ang pahayag ng pamilya Agduma kung may natanggap ang mga itong death threat.


Ilan sa mga nasira sa naturang pagsabog ang mga nakaparadang heavy equipment ni Kapitan Agduma sa harapan mismo ng kanyang tahanan.


Una rito,ikinagimbal ng bayan nga Lambayong ang nasabing pagsabog sa lakas ng impact nito.


Kasalukuyang hinihintay din ang report ng EOD team ng Sultan Kudarat kung anong klase ng IED ang sumabog at kung ano ang motibo nito.


The post Heavy equipments, wasak sa pagsabog sa S. Kudarat appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Heavy equipments, wasak sa pagsabog sa S. Kudarat


Umento sa sahod ng mga guro, ipoprotesta bukas

KASADO na ang malawakang kilos-protesta ng mga guro kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong Lunes, Hunyo 2.


Sinabi ni Congressman Antonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), ang kilos-protesta ay upang ipanawagan ang hirit na umento sa sahod para sa mga public school teacher at iba pang empleyado ng pamahalaan.


Bukas ay magdaraos ng kilos-protesta ang mga miyembro ng ACT sa Mendiola maging sa Visayas at Mindanao.


Ayon pa kay Tinio, ngayong 2014 ang ikalawang taon na hindi nadagdagan ang sahod ng mga empleyado ng pamahalaan, hindi lamang ng mga guro.


Noong 2012 pa ani Tinio, huling nataasan ang suweldo ng mga public school teacher na sa ngayo’y may tinatayang dami na 600,000.


Hihilingin nila na itaas sa P25,000 ang buwanang sahod ng public school teachers mula sa kasalukuyang P18,500 na starting salary.


Ihihirit din nilang itaas mula P9,000 hanggang P15,000 ang buwanang sahod ng entry level employee.


Kritikal din ang inihihirit nilang wage increase lalo’t isinasapinal na ang proposed budget para sa 2015.


The post Umento sa sahod ng mga guro, ipoprotesta bukas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Umento sa sahod ng mga guro, ipoprotesta bukas


Gun-for-hire tiklo sa Pangasinan

URBIZTONDO, PANGASINAN – Isang miyembro ng notorious gun-for-hire na nasa pangangalaga ng isang public official ang naaresto ng local Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Urbiztondo.


Kinilala ni CIDG regional chief Sr. Supt. Francisco Esguerra, ang suspek na si Johany Vedana, 32, ng Barangay Pisuac, nasabing bayan.


Sinabi ni Esguerra na nakuha sa suspek ang .45 pistol matapos salakayin ang kanyang hideout.


Si Vedana ay isa sa most wanted na nakalista bilang miyembro ng “Vistro Group” na sangkot sa gun-for-hire activities sa 2nd at 3rd district ng Pangasinan.


Ang grupo ni Vedana ay isa sa mga target ng Pangasinan-CIDG sa kanilang Coplan “Tirador.”


The post Gun-for-hire tiklo sa Pangasinan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gun-for-hire tiklo sa Pangasinan


Pangilinan kampeon sa Asian Youth selection

SINUNGKIT ni whiz kid Stephen Rome Pangilinan ang titulo sa 2014 Asian Youth Selection Boys Division – Under 12 matapos kaldagin si Lee Roi Palma sa sixth at final round kahapon na ginanap sa Philippine Sports Commission canteen sa Rizal Memorial sa Vito Cruz.

Tumipa ng 5.5 points si top seed Pangilinan (elo 2093) upang makuha ang kampeonato sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa pangunguna ni NCFP executive director GM Jayson Gonzales.

“Maganda po ang laro ko ngayon kaya nag champion po ulit ako,” saad ni Pangilinan na nagkampeon sa US noong siya ay anim na taong gulang pa lang.

Nakuha ni Emanuel Van Paler ang segundo puwesto habang kinana ni Sem Canasta ang third place matapos ilista ang 4.5 at 4.0 pts. ayon sa pagkakasunod.

Nakipaghatian ng puntos si Paler kay Mark Daniel Shannon Aguimbag habang dinaig ni Canasta si Cedrick Sevillano.

Tinabla ni National Master Giovani Mejia (elo 2171) ang laro nito kay Jonathan Jota upang makuha ang kampeonato sa Boys U-18.

Nilista ni No.2 seed Mejia ng limang puntos mula sa apat na panalo at dalawang draws sa event na ipinatupad ang six rounds swiss system.

Apat ang magkasalo sa second to fifth place na may parehong apat na puntos subalit matapos ang tie-break points nakuha nina Melwyn Kenneth Baltazar (elo 2124) at Paul Robert Evangelista (elo 2075) ang pangalawa at pangatlong puwesto.

Sa distaff side, winalis ni WFM Janelle Mae Frayna ang mga nakalaban upang mag reyna sa Under-18.

Giniba ni Frayna (elo 2133) si WCM Mira Mirano sa last round upang ilista ang malinis na anim na puntos.

Pumangalawa si Karen Jean Enriquez tangan ang 4.5 puntos habang third place si Crissa Canada.

The post Pangilinan kampeon sa Asian Youth selection appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pangilinan kampeon sa Asian Youth selection


LAST MINUTE SHOPPING!

SUMUGOD sa bangketa ng Divisoria ang mga mamimili upang humabol sa pamimili ng school uniform para sa pasukan sa pasukan na magsisimula bukas, June 2.

SUMUGOD sa bangketa ng Divisoria sa Maynila ang mga mamimili upang humabol sa pamimili ng school uniform para sa pasukan na magsisimula na bukas, Hunyo 2.



The post LAST MINUTE SHOPPING! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LAST MINUTE SHOPPING!


NPC SCHOLARS!

IPINAGKALOOB sa mga anak ng miyembro ng National Press Club ang tig-P5,000 financial assistance bilang bahagi ng scholarship program ng organisasyon sa pangunguna ni Pangulong Joel Egco.

IPINAGKALOOB sa mga anak ng miyembro ng National Press Club ang tig-P5,000 financial assistance bilang bahagi ng scholarship program ng organisasyon sa pangunguna ni Pangulong Joel Egco.



The post NPC SCHOLARS! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NPC SCHOLARS!


Opening ng klase sasalubungin ng protesta ng mga guro

MANILA, Philippines - Kasado na ang nakatakdang malawakang kilos protesta bukas ng mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) bilang salubo .. Continue: Philstar.com (source)



Opening ng klase sasalubungin ng protesta ng mga guro


Pamilya Abad idinepensa ng MalacaƱang

MANILA, Philippines - Mismong si Communications Secretary Sonny Coloma ang dumipensa kahapon para sa pamilya ni Budget Secretary Butch Abad na inaakusahan ng .. Continue: Philstar.com (source)



Pamilya Abad idinepensa ng MalacaƱang


Driver na maniningil agad ng P8.50 sa Lunes parurusahan

MANILA, Philippines - Nagbanta ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na parurusahan ng ahensiya ang sinumang driver na magtatangkang m .. Continue: Philstar.com (source)



Driver na maniningil agad ng P8.50 sa Lunes parurusahan


Bullying tututukan ng PNP sa Balik Eskwela

MANILA, Philippines - Tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang bullying sa mga estudyante kaugnay ng Oplan Balik Eskwela bukas. .. Continue: Philstar.com (source)



Bullying tututukan ng PNP sa Balik Eskwela


Pinay at Chinese na dinukot sa Malaysia pinalaya na

MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang buwan, pinalaya na ang Pinay at Chinese na dinukot ng bandidong Abu Sayyaf sa Semporah, Sabah, Malaysia noon .. Continue: Philstar.com (source)



Pinay at Chinese na dinukot sa Malaysia pinalaya na


Surigao niyanig ng 5.1 lindol, 14 aftershocks

MANILA, Philippines - Nakapagtala ng 14 aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraan ang magnitude 5.1 na lindol na .. Continue: Philstar.com (source)



Surigao niyanig ng 5.1 lindol, 14 aftershocks


Ordanes tunay na mayor ng Aliaga

MANILA, Philippines - Idineklarang tunay na nanalong mayor ng munisipalidad ng Aliaga, Nueva Ecija si Reynaldo Ordanes. .. Continue: Philstar.com (source)



Ordanes tunay na mayor ng Aliaga


Purisima, tiniyak ang full PNP security support para sa Albay APEC hosting

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang buong suporta nito sa kakailanganing security at police escort kaugnay ng 2015 Asia Pac .. Continue: Philstar.com (source)



Purisima, tiniyak ang full PNP security support para sa Albay APEC hosting


‘DI NORMAL KAPAG WALANG PUTUKAN

Bantay-OCW111 KUNG kailan tahimik ang paligid, mas kinakabahan pa nga sila.


Ito ang kuwento ng mag-asawang OFW na nagtatrabaho sa Libya. Matagal na silang OFW roon.


Nang pumutok ang giyera, tumakas sila sa gitna ng kaguluhan. Walang bitbit na anoman kundi ang kanilang mga katawan at kung ano lang ang kasya sa isang bag na kaya nilang dalhin at sumunod sa bawat tagubilin ng pamahalaan na lisanin ang Libya.


Mahigit dalawang taon din silang walang trabaho sa Pilipinas. Nahirapan silang makakuha ng anomang trabaho o sideline ngunit tuloy pa rin ang gastos.


May hinuhulugang bahay, pinag-aaral na mga anak, pagkain, at gamit sa bahay tulad ng kuryente, tubig at telepono.


Higit na ipinagpapasalamat na lamang ng mag-asawa na naging masinop sila sa kanilang mga kinikita habang nasa abroad.


Nag-ipon sila at iyon ang ginamit nila sa buong panahon na wala silang trabaho.


Naging matalino ang mag-asawang ito sa tamang paggamit ng pera. Ang naitabi ang nakapagsalba sa kanila sa panahon ng kagipitan. Hindi sila nagbenta ng gamit o nangutang.


Naaalala ko tuloy, napakarami nating kababayan na galing noon sa Libya ang nagsisisi kung bakit pa sila umuwi.


Sana’y hindi na lang umano nila iniwan ang bansang iyon kaysa dinanas din nila ang matinding hirap sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.


Marami rin tayong kababayan noon ang pabalik-balik sa Bantay OCW at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matulungan silang makuha ang mga suweldong hindi naibigay ng kanilang employer.


Mahigit dalawang taon na nagtiis ang mag-asawa hangga’t tawagan sila muli ng kanilang dayuhang employer din na nakabase sa Libya. Hindi na sila nagdalawang isip.


Mabilis nilang isinaayos ang kanilang mga dokumento at kaagad na bumalik ng Libya. Ito na lamang ‘anya ang tanging paraan upang makabawi sila sa matagal na panahon na walang trabaho.


Malaki na rin ‘anya ang bentahe sa kanilang pag-aabroad dahil mag-asawa sila na kinukuha ng kanilang employer.


Pagdating ng Libya, nakaririnig pa rin sila ng mga putukan. Minsan malinis na malinis ang mga kalsadang daraanan nila at iyon pala’y katatapos lamang ng mga bakbakan. Kapag gabi naman, akala mo aniya’y palaging nagbabagong taon. Dahil may mga maliliwanag na pumaiilanlang paitaas na susundan ng malalakas na pagsabog.


May mga panahong hindi na sila natutulog sa kanilang mga kama dahil maaaring tamaan sila roon ng ligaw na mga bala.

Mananatili na lang aniya sila sa kanilang sala at halos pagapang pa kung kailangang tumayo katulad ng pagkuha ng tubig o ‘di kaya’y magtutungo sa banyo. Nasanay na sila sa ganoong sitwasyon. Kaya kapag walang putukan, mas kabado ‘anya ang tao roon, dahil hindi normal iyon. Mas sanay silang palaging may putukan sa kanilang paligid.


Sino nga naman ang makapagsasabing ang mga kababayan nating ito, sanay na ring mamuhay nang normal sa gitna ng kaguluhan.


Ngayong itinaas na ng DFA ang Crisis Alert Level 3 sa Libya upang boluntaryong lumikas ang ating mga kababayan doon, handa silang umuwi muli, alang-alang sa kanilang kaligtasan.


***

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM Address: 2/F MRP Bldg.,Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming: http://ift.tt/1ibHfEJ Helpline: 0927.649.9870


The post ‘DI NORMAL KAPAG WALANG PUTUKAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘DI NORMAL KAPAG WALANG PUTUKAN


KATAKSILAN

baletodo12 BILANG pangulo ng bansa, pangunahin tungkulin ay ang paglingkuran ang interes ng bayan at mamamayan.


Bilang pangulo, pangunahin ang pangangalaga at proteksyon sa taumbayan.


Malinaw ang sinumpaang tungkulin, bayan muna bago ang sarili at personal na kaibigan at kamag-anak.


Bilang pangulo, inuuna ang kailangan ng bayan.


Kalusugan, edukasyon, pagkain, pabahay, kagalingang panlipunan, proteksyon sa komunidad, seguridad, kapayapaan at higit sa lahat, pagpapasulong ng kabuhayan para sa lahat.


Ang tanong, nangyayari ba ito ngayon sa kamay ni Pangulong Benigno Aquino III?


Nagaganap ba ang kanyang pamosong sinabi noong siya ay isumpa, este, manumpa sa kanyang tungkulin bilang Pangulo, “kayo ang boss ko..” at “tatapusin ko ang korapsyon, dahil, walang mahirap kung walang korap!”


Ipinakulong niya ang itinuro niyang korap.


Pinatalsik niya ang sinabi niyang korap.


Katapat ng kambal-bilyon na halaga, nagwagi siya kontra sa mga korap(?).


Hiniya, patuloy na hinihiya at pinagdurusa.


Nang pumutok ang matiwaling pag-ubos sa kaban ng bayan, P10 bilyon mula sa Priority Development Acceleration Fund na gawa ng isa lamang sa maraming kauri na si Janet Lim-Napoles, nagpista si Aquino.


Natuwa dahil patunay lang daw na bahagi iyon ng kanyang paglilinis sa korapsyon.


Pero sumentro lang si Aquino sa tatlong senador at pinagpiyestahan ng kanyang mga kaalyado sa pulitika.


Umabot ito sa pagpapagawa ng kulungan sa Camp Crame na punong himpilan ng Pambansang Pulisya.


Hindi naglaon, pumutok na hindi lang pala ang tatlong oposisyon na senador ang sangkot kundi mas marami sa kaalyado ni Aquino at ng kanyang partido Liberal!


Dagdag pa ang tunay na pasimuno, ang guro ni Napoles na si Budget Secretary Butch Abad at ang kanyang paboritong sinungaling na kalihim, si Proceso Alcala ng Agriculture.


Kung gaano kasaya at katibay ang tindig at postura ni Noynoy noon laban sa tatlong sendor – Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla – na siya mismo ay tila abogado sa kanyang mga pahayag, ngayon na sumabit ang mayorya ng kanyang mga kaalyado, baliktad na ang sinasabi niya at abogado naman ngayon ng kanyang partido ang tindig niya.


Bilang Pangulo, dapat ipakita ni Noynoy Aquino na siya ay Pangulo ng lahat na Filipino.


Bilang pangulo, ipakita niya na pantay lahat sa kanyang pamamahala.


At bilang Pangulo, dapat ay parehas siya sa pagkilala sa mga nagkasala, kaaway man niya o kakampi.


KATAKSILANG BAYAN ang gawa ng Pangulo kung mag-iingay lang siya sa kalaban pero BULAG, PIPI at BINGI sa kanyang mga kaalyado.


Kung mananatili siyang saradong panig sa mga nagkasala niyang tauhan, isa lang ang kanyang kahihinatnan – pagpapatalsik mula sa lakas ng taumbayan!


The post KATAKSILAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KATAKSILAN


PANAWAGAN: PAMBANSANG PAGKAKAISA

puntong-marino-edgard-arevalo NOONG ika-27 ng Mayo 2014, sa isang panayam ng media noong ika-116 na Anibersaryo ng Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy) sa Ulugan Bay sa Palawan, naitanong kay Presidente Benigno Aquino III kung wala raw bang balak ang Pilipinas na magtayo rin ng mga istruktura sa WPS gaya ng ginagawa ng Tsina? Mangyari, ayon sa reporter, ay napag-iiwanan na tayo ng ibang bansa na umaangkin sa mga isla sa WPS gaya ng huling napaulat na reclamation na ginagawa ng Tsina sa Mabini Reef na pag-aari ng Pilipinas.


Matalino ang naging sagot ng Pangulo. Hindi gagawin ng Pilipinas ang ginagawa ng Tsina. Kanyang binigyang-diin ang isa sa mga probisyon na nilalaman ng 2002 Declaration of Conduct of Parties in South China Sea (DOC). Pumirma rito ang mga bansa sa Asya na may interes sa South China Sea/West Philippine Sea—ilan sa kanila ay ang Tsina, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Pilipinas.

“Kung gagawin natin,” ani Pangulong Aquino III, “ang ginagawa ng Tsina na pag-‘inhabit sa previously uninhabited islands’ sa WPS, magiging violator din tayo sa DOC.”


Ayon kasi sa Paragraph 5 ng nasabing Deklarasyon, sumasang-ayon ang mga lumagdang bansa na pipigilan ang sarili sa pagsasagawa ng mga aktibidad na makapagpapagulo o makapagpapalala ng hidwaang makaaapekto sa kapayapaan at katiwasayan (sa SCS/WPS) gaya ng mga pag-okupa sa mga hindi naman dating (as of 2002) okupadong isla, batuhan, bahura, o ano pa mang porma ng lupa sa ibabaw o ilalim ng dagat x x x”


Kung magkaganon, may katuwiran— at least simula noong 2002 —kung bakit hindi na tayo nagsasagawa ng anomang pagsasaayos sa mga pasilidad natin sa mga islang ating inaangkin. Iyo’y bilang pagtalima sa napagkasunduan. ‘Yun nga lamang, sa ating pagiging masunurin, argabyado tayo. Sa kabila ng pagpirma sa maraming kasunduan gaya ng sa Charter ng United Nations, ang 1982 UN Convention on the Law of the Sea, sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, sa Five Principles of Peaceful Coexistence, at iba pang “universally recognized principles of international law”, ang Tsina ay patuloy na lumalabag nang walang pakundangan.


Hindi tumutupad ang Tsina sa mga kasunduan. Ito’y muling napatunayan noong 2012 sa nangyaring stand-of sa Scarborough Shoal sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Nagkasundo ang dalawa na kapwa aatras na lamang upang maiwasan ang gulo. At gaya ng dati, naisahan na naman tayo. Tayo lang ang umalis, sila’y hindi. At buhat noon, inokupa na ng Tsina ang paligid ng Bajo de Masinloc/Panatag Shoal/Scarbourough Shoal.


Sa pagdaan ng mga araw, patuloy na nagiging mapusok ang Tsina. Tahasan na ang kanyang ginagawang paglabag sa Paragraph 5 ng nabanggit na DoC. Sa pagdedeklara ng Tsina ng fishing ban sa buong nasasakupan ng nine-dashed line; sa paglalatag ng Air Defense Identification Zone; sa pambobomba ng tubig sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Pilipinas; sa paglalagay ng dambuhalang Oil rig sa Paracels at pambobomba ng tubig sa mga Vietnamese vessel; at nitong huli’y napabalitanng pagbangga ng barko ng Tsina hanggang sa lumubog ang bangka ng mangingisdang Vietnamese, lahat ito ay paglabag sa nasabing DOC na nagtatadhana gaya ng nabanggit na: “ x x x pipigilan (ng mga lumagda) ang sarili sa pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapagulo o makapagpapalala ng hidwaang makaaapekto sa kapayapaan at katiwasayan x x x” sa South China Sea.


Sa harap ng mga mga hamon, (pinakahuling ulat nitong ika-30 ng Mayo 2014 na nakunan ng video ng isang telibisyon na mga mangingisdang diumano’y Tsino na nangunguha ng mga higanteng taklobo sa ating karagatan), mabuti at naging matapang sa pag-amin ang Tagapagsalita ng Department of National Defense ng Pilipinas. Ayon sa kanya, walang kakayahan ang ating bansa na ipagtanggol ang ating teritoryo at yamang dagat.


Kailangan talaga nating magpakatotoo at magpakumbaba na tanggapin ang tulong na iniaalok sa atin ng mga kaibigang bansa. Para na lamang sa ating mga anak at susunod pang henerasyon — kung hindi man para sa ‘makabayan’ at ‘magagaling’ nating kapwa Filipino.


Hindi na ngayon ang panahon at wala na tayong panahon na maaaring sayangin para magsisisihan kung bakit umabot sa ganito ang dati’y isa sa pinakamalakas na Navy sa Asya. Tingnan natin kung ano ang meron at anong options tayo meron ngayon –ligal, kooperasyon, dayalogo o mga kasunduan man. Pagyamanin at paunlarin ang mga ito upang siyang magsusulong ng pambansang kapakinabangan.


Higit sa lahat, tigilan na ang mga pagbatikos. Sa halip, tumulong sana at makiisa ang mga marurunong at makapangyarihan—lalo na ‘yung mga nagmamarunong, namumulitika, at hindi wasto ang paggamit ng kapangyarihan. Itaguyod at pangibabawin ang pambansang interes kaysa sa pansariling hangarin.


(edarevalo90@yahoo.com o i-tweet sa atty_arevalo ang inyong mga reaksyon)


The post PANAWAGAN: PAMBANSANG PAGKAKAISA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PANAWAGAN: PAMBANSANG PAGKAKAISA


‘ABILIDAD, HINDI EDAD’

glocal-pinoy-logo-new2 MORE than a week ago, labor, overseas Filipino workers, local officials and legislative staff have formed themselves into a group to shepherd the immediate passage by Congress of a measure seeking to ban age discrimination in the workplaces.


The initiative was through the efforts of the Blas F. Ople Policy Center and Training Institute which convened them for a first informal meeting held at the Bayleaf Hotel, Intramuros, Manila last May 21.


“As advocates for the welfare of Filipino workers here and abroad, we have agreed that age, like gender, should never hinder any able individual to seek decent work or apply for a job he or she is qualified,” Susan Ople, head of the center, said.


“The group believes that a law needs to be shepherded in Congress as well as among the general public, particularly in informing and educating them about this issue,” she added.


Among those present were representatives of the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), International Labor Organization (ILO), Ang Nars Partylist, Advocates of OFWs, PSLINK, Obrero Pilipino, Mandaluyong City Councilor Jesse Cruz, and legislative staff from the Offices of Senators Pia Cayetano and Koko Pimentel.


Diane Lynn Respall, programme officer of the ILO, noted that unlike other countries, the Philippine does not have a specific law which prohibits discrimination in the workplaces despite being a signatory to the ILO Convention 111.


Under ILO Convention 111, all workers should be protected against discrimination on the basis of race, color, sex, religion, political opinion, national extraction or social origin, preventing them from participating in the labor market and reaching their full potential.


Cruz, who once served as Mandaluyong’s vice mayor for three consecutive terms, stressed that the group needs the support not only of the lawmakers but also among local elective officials, especially those sitting in the local legislative councils.


Ople said the group plans to bring the issue not only in the halls of Congress but also among labor groups and trade unions, particularly among the returning OFWs who are now finding it doubly difficult to get a job in the country after spending years working abroad.


“Our OFWs whom we call our modern heroes should be given equal opportunity to get employment in the country. They have long suffered enough in foreign lands, and the least thing we can do to them is to spare them from being discriminated because of their age,” she said.


The post ‘ABILIDAD, HINDI EDAD’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘ABILIDAD, HINDI EDAD’


MAGPAKAMATAY NA DAPAT ANG MGA INUTIL

sa-kantot-sulok5 KAHINDIK-HINDIK ang pagkamatay ng isang ina at anim niyang anak nang masunog ang tinutuluyan nilang tent sa Costa Brava, Tacloban City.


Ang mag-iina ay survivor ng nakaraang pananalasa ng bagyong Yolanda sa nasabing lugar.


Pero mas kahindik-hindik ang dahilan kung bakit namatay ang naturang mag-iina.


Anim na buwan matapos ang pagragasa ng malaking baha na dulot ng bagyong Yolanda na sumira sa maraming kabahayan at kabuhayan sa lalawigan, patuloy ang kainutilan ng pamahalaan na tugunan ang pagbangon ng typhoon survivors.


Hindi sana mangyayari ang kalunos-lunos na pagkamatay ng mag-iina kung naging mabilis ang pagtatayo ng mga bagong bahay para sa mga nasalanta ng bagyo.


Hanggang sa kasalukuyan, namamayani ang pulitika sa Leyte, partikular sa Tacloban City kung saan maraming nawalan ng mahal sa buhay.


Sa simula pa lang, ilang araw matapos ang pagbayo ni Yolanda, nakita na ang kapalpakan sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at storm surge.


Kitang-kita rin ang katarantaduhan ng mga politiko na nag-aaway-away dahil sa kani-kanyang interes.


Ang malupit ay ang pagnanakaw sa pagkain na laan sana sa mga nagugutom na biktima.


Nasaan na ang pondong itinulong hanggang ngayon ng maraming dayuhang bansa? Ang mga pagkain at kung ano-ano pa?


Inutil ang mga ahensiya na dapat sana’y mabilis na kumikilos sa pagbangon ng lalawigan.


Kung bakit sila inutil ay dahil inutil ang kanilang pinakapinuno.


Kainutilan at malaking katarantaduhan ang manisi ng iba gayong siya ang lider na dapat nagpapakita ng katatagan, kahinahunan at wastong pag-iisip sa gitna ng nangyaring trahedya.


Kaya tayo po ay naiinggit sa mga taga-South Korea.


Ang kanilang Prime Minister ay may natitira pang kahihiyan kung kaya nagbitiw sa poder matapos ang malagim na paglubog ng isang barko na ikinamatay ng maraming estudyante.


Ang may sala sa paglubog ng barko ay ang kapitan nito pero ang Prime Minister ang umaako ng kasalanan.


Sa kaso ng bagyong Yolanda, pakapalan ng mukha ang labanan.


Sisihan at turuan ang ating mga lider para hindi sila masisi.


Nakalulungkot sapagkat walang mga kamalay-malay na bata ang namatay sa sunog sa “tent city.”


Hindi sila ang dapat na namatay.


Ang mga dapat mamatay o magpakamatay na lang ay ang mga inutil na bigyan ng maayos na buhay ang mga survivor ng bagyo.


The post MAGPAKAMATAY NA DAPAT ANG MGA INUTIL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGPAKAMATAY NA DAPAT ANG MGA INUTIL


Trike driver kinuyog, todas

DAHIL lamang sa pag-aagawan sa pasahero, kinuyog ng grupo ng kalalakihan ang isang tricycle driver kung saan binaril pa ang biktima na nagresulta sa kamatayan nito kahapon ng hatinggabi sa Pasay City.


Namatay habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Benjamin Alcantara, Jr., 31, ng 350 Libertad St. sanhi ng isang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanang balikat.


Nakatakas naman ang limang suspek na ang isa ay nakilala lamang sa alyas Bobby, residente ng Decena St., na siyang unang naka-alitan ng biktima.


Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Pasay police, armado umano ng baton ang suspek nang habulin ang biktima kamakalawa ng gabi matapos magtalo hinggil sa agawan ng pasahero.


Nagawa namang makatakbo ng biktima subalit alas-12:20 ng hatinggabi ay hinarang ng grupo ni Bobby ang biktima na noon ay pauwi na, sakay ng ipinapasadang tricycle at kasama ang ka-live-in na si Aureine Ferrer, 31, sa kanto ng Decena at Libertad St.


Kaagad umanong pinalo ng baton ni Bobby si Alcantara subalit nakailag at nagawang makatakbo kaya’t pinagbalingan ng galit ng suspek ang kinakasama ng biktima. Hinabol naman ng ilang mga kasamahan ng suspek ang biktima at isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril na tumama sa balikat ni Alcantara.


Hinahanap na ng pulisya ang suspek na si Bobby, pati na ang bumaril sa biktima at ilan pa nilang kasamahan.


The post Trike driver kinuyog, todas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Trike driver kinuyog, todas


Supervisor nabiktima ng akyat-bahay

NATANGAYAN ng mga alahas ng akyat-bahay gang ang isang supervisor sa Caloocan City, Sabado ng madaling-araw, Mayo 31.


Sa pahayag ng biktimang si Francisco Lapira, Jr., 41, alas-5:30 ng magising siya at nalaman na napasok na sila ng mga magnanakaw at nawawala na ang kanyang mga alahas na aabot sa mahigit na P100,000 na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.


Lumalabas na binaklas ng suspek ang jalousie ng bintana hanggang sa makapasok at makalabas ng bahay.


Inaalam na ng mga pulis kung nakuhanan ng CCTV camera ng barangay ang nasabing insidente upang matukoy kung sino ang suspek.


The post Supervisor nabiktima ng akyat-bahay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Supervisor nabiktima ng akyat-bahay


Parak pinaghahanap sa pambubugbog sa negosyante

PINAGHAHANAP ang isang pulis ng mga kabaro matapos umanong bugbugin ang isang negosyante sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City, Biyernes ng madaling-araw, Mayo 30.


Nahaharap sa kasong attempted homicide si PO3 Anthony Cruz, nakatalaga sa Barugo Police Station ng Caloocan City Police.


Sa reklamo ni Jerome Juagan, 35, na ala-1 ng madaling-araw nang pasukin siya ng suspek at pinagpapalo ng puluhan ng baril.


Hindi pa nasiyahan, sinapak at tinadyakan pa ang biktima bago lumisan ang suspek habang nagsumbong naman sa presinto ang negosyante.


Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinagalit ng suspek sa biktima.


The post Parak pinaghahanap sa pambubugbog sa negosyante appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Parak pinaghahanap sa pambubugbog sa negosyante


Kapulisan kinalampag sa ‘no smoking areas’

KINALAMPAG ni Western Samar Rep, Mel Senen Sarmiento ang Inter-Agency Committee- Tobacco (IAC-Tobacco), Philippine National Police, Metro Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan na ipatupad ang Republic Act No. 9211 o mas kilala bilang “Tobacco Regulation Act of 2003.”


Giit ng kongresista, tila wala ng nagpapatupad sa naturang batas na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.


“We have so many laws that end up useless because there seems to be no real effort to enforce them and our anti-smoking law is one of them. I think that our implementing agencies should step up a more aggressive and sustained campaign to stop smoking in public places,” ani Sarmiento.


Binigyang-diin ni Sarmiento na marami na namang mga tsuper ng pampublikong sasakyan gaya ng jeep, tricycle, at bus ang naninigarilyo habang nagmamaneho kahit nakikita ng mga traffic enforcers at mga pulis.


Pinuna rin ng mambabatas ang ilang restoran sa Metro Manila, lalo na sa Pasay City at Makati City na pumapayag na ang mga kustomer ay naninigarilyo sa loob sa halip na maglagay ng hiwalay na lugar para sa mga naninigarilyo.


“It’s either they are tolerating it or are unaware that it is actually against the law to smoke inside public places. I think that we need to be more aggressive in implementing this particular law,” ayon kay Sarmiento.


Batay sa RA 9211, bawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar, sa mga paaralan lalo na ang mga kabataang wala pang 18 taong gulang, sa loob ng elevator o hagdan sa mga lugar na delikado sa init o apoy, sa mga ospital, pampublikong sasakyan at kainan.


Ipinaalala ni Sarmiento na may multang naghihintay sa mga lalabag dito ng mula P500 hanggang P10,000 at ang mga business permits at lisensya ay maaaring kanselahin.


The post Kapulisan kinalampag sa ‘no smoking areas’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kapulisan kinalampag sa ‘no smoking areas’


Sari-saring isdang namatay sa lason, inabandona sa Dagupan

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Mahigit 500 kilo ng sari-saring isdang abandonado ang nakita ng city’s agricultural office at mga awtodidad sa Malimgas Public Market sa Dagupan City, kaninang madaling-araw, May 31.


Ayon sa Dagupan City Agricultural Office, ang mga nasabing abandonadong mga isda ay huli umano sa dynamite at cyanide fishing.


Sa imbestigasyon, alas-4:00 ng madaling-araw, nagsasagawa ng inspection ng mga local na police at city’s agricultural office ng makita nila ang mga sari-saring isda na iniwan sa fish port ng nasabing public market.


Napag-alaman sa pag-susuri ng fish examiner, ang mga nasabing isda ay huli sa dynamite at cyanide fishing.


Sabi ng local fish examiner na halos karamihan sa isda ay lamog ang laman loob at nalason sa pamamagitan ng cyanide.


Sa ngayon, doble-ingat ang lokal na awtoridad sa pag-inspeksyon ng mga isda sa lahat ng public market sa lungsod.


The post Sari-saring isdang namatay sa lason, inabandona sa Dagupan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sari-saring isdang namatay sa lason, inabandona sa Dagupan


Malakanyang, nakiisa sa panalangin na manalo si Donaire

KAISA ang Malakanyang ng buong sambayanan sa pag-asa at pananalangin para sa tagumpay ni Nonito “The Flash” Donaire laban sa defending champion na si Simpiwe Vetyeka sa Venetian Macau.


Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., kumpiyansa siya na mapagtatagumpayan ni Donaire ang korona at maiiuwi ang karangalan para sa Pilipinas.


Umaasa ang Malakanyang na maiwawagayway din ni Donaire ang bandila ng Pilipinas.


Sa ulat, sinabi ni Donaire na maganda ang kanyang naging paghahanda sa laban na ito.


The post Malakanyang, nakiisa sa panalangin na manalo si Donaire appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, nakiisa sa panalangin na manalo si Donaire


Empleyado ng Iloilo City Hall, dakip sa droga

SWAK sa kulungan ang isang isang 31-anyos na empleyado ng Iloilo City Hall matapos madakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug bust operation nitong nakalipas na Miyerkules, Mayo 28.


Kinilala ang suspek na si Marbelito Cadiz, casual employee ng Iloilo City Hall at residente ng 178-C San Ramon, Sto. Rosario, Iloilo City.


Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nahuli si Cadiz makaraang magbenta ng malaking plastic sachet na may lamang shabu sa isang PDEA poseur-buyer nitong nakalipas na Miyerkules dakong 6:00 ng gabi.


Nang maaresto, nakumpiska pa ng PDEA agents ang tatlong piraso ng malalaking sachet ng shabu na tumitimbang na 14 na gramo, isang identification card ng suspek, isang cellphone at P1,200 cash.


Si Cadiz ay pansamantalang nakapiit sa PDEA RO6 detention cell habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban rito.


The post Empleyado ng Iloilo City Hall, dakip sa droga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Empleyado ng Iloilo City Hall, dakip sa droga


Ulo ng bebot, sabog ng riding-in-tandem

PINASABOG ng kilabot na riding in tandem ang ulo ng isang babaeng nakasakay ng motorsiklo sa Iloos Sur nitong Biyernes ng gabi, May 30.


Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa kanang bahagi ng ulo ang biktimang si Michelle Gorospe, 24, taga-Solid West, Vigan City na kasalukuyang nakatira sa Boguig, Bantay, Ilocos Sur.


Himala namang hindi tinamaan ng bala ang isang 12-anyos na lalaking kaangkas ni Gorospe.


Blangko pa ang Bantay PNP kung sino ang nasa likod na pamamaril pero tiniyak na ang mga kumana sa biktima ay mga hired killers.


Nangyari ang pamamaril alas-8:15 ng gabi nitong Biyernes sa may Zone 6, bayan ng Bantay.


Bago ito, sakay si Gorospe ng kanyang motorsiklo at na may kaangkas na batang lalaki.


Pagdating sa lugar, biglang bumuntot ang isang motorsiklo na may dalawang sakay na kalalakihan saka inasinta sa ulo ang biktima saka tumakas


The post Ulo ng bebot, sabog ng riding-in-tandem appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ulo ng bebot, sabog ng riding-in-tandem


QC public schools, lalatagan ng CCTV camera

ISINUSULONG ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglalagay ng closed circuit television (CCTV) camera sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.


Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, kabilang ito sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng halos 500,000 estudyante sa elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan.


Habang hindi pa naikakabit ang mga CCTV camera, tiniyak nito na magtutulungan naman ang mga pulis at barangay tanod sa pagpapatupad ng kaayusan sa pagbubukas ng klase sa Lunes.


Bukod sa seguridad sa paaralan, tututukan din ng lokal na pamahalaan ang mga school bus at regulasyon ng mga tricycle na nagsasakay ng sobrang daming estudyante.


Kaugnay nito, dahil sa naidagdag na 88 silid-paaralan ng lokal na pamahalaan mula 2011 hanggang 2013, naabot na ng mga pampublikong paaralan sa siyudad ang one-is-to-50 na teacher-student ratio sa bawat klase.


Tinatapos na rin ang dalawa pang school buildings sa Barangay Payatas at Batasan Hills na sinasabing may pinakamalaking populasyon ng estudyante sa lungsod.


The post QC public schools, lalatagan ng CCTV camera appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



QC public schools, lalatagan ng CCTV camera


Malakanyang, saludo pa rin sa Azkals

SALUDO ang Malakanyang sa Philippine “Azkals” football team sa ipinakitang galing nito sa 2014 AFC Challenge Cup kahit nabigo sa pagiging numero uno laban sa Palestine.


Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., ipinakita ng Philippine Azkals ang kanilang katapangan na harapin ang malakas na koponan ng Palestine sa Maldives.


“Binabati natin ang Philippine Azkals sa kanilang magiting na paglaro sa AFC Finals… Bagama’t hindi sila nagwagi sa malakas na koponan pinakita nila ang tapang sa pakikipaglaban,” ani Sec. Coloma.


Umaasa naman ang Malakanyang na darating din ang tamang panahon para sa Azkals para sa ikatatagumpay ng koponang ito at magkakaroon din ng pagkakataon na maiwagayway ang bandila ng Pilipinas sa mga susunod na laro nito.


Nakopo ng Azkals ang ikalawang puwesto sa 2014 AFC Challenge Cup makaraang matalo sa Palestine sa iskor na 1-0.


Sa ulat, kapwa ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa Pilipinas at Palestine na umabot ng finals sa kahit na anomang kompetisyon.


The post Malakanyang, saludo pa rin sa Azkals appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, saludo pa rin sa Azkals


FDA nagbabala sa nakalalasong water color

PINAALALAHANAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga magulang laban sa mga school supplies na mapanganib sa kalusugan ng mga bata dahil sa taglay nitong nakalalasong kemikal partikular dito ang ilang mga water color na lumitaw na may mataas na lead na maaaring magdulot ng food poisoning.


Ito’y kasunod ng nalalapit na pagpasok sa eskwela ng mga mag-aaral ngayong Lunes.


Ayon sa FDA, sinuri nila ang ilang water color brands na nabili sa Merriam Webster Bookstore sa Binondo, Manila at VMZ Bookstore sa Guadalupe Shopping Center sa Makati.


Dito umano lumitaw na mayroong mataas na lead ang nakuha sa Artex Fine Water Color na gawa ng Venus Commercial Co. sa Malabon City gayundin sa sample na nakuha sa Makati.


Paliwanag ng FDA, “Lead has tendency to accumulate slowly in the body when ingested over prolonged period of time. Lead may be deposited in the bones and teeth, and can be found in blood. Chronic lead poisoning can cause nervous system toxicity and renal tubular dysfunction leading to irreversible interstitial nephrosis with progressive renal impairment and hypertension. Lead can also depress blood synthesis and shortens the life span of erythrocytes or red blood cells, causing a hypochromic microcytic anaemia.”


Sinabi pa ng FDA na mainam na bumili ng mga water color na FDA approved para masigurong ligtas ito lalo sa mga bata.


The post FDA nagbabala sa nakalalasong water color appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



FDA nagbabala sa nakalalasong water color


Mga paaralan sa Region 6 na naapektuhan ng Yolanda, hindi pa handa sa pasukan

Hindi pa handa ang mga paaralang naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa Western Visayas para sa pagbubukas ng klase sa ikalawa ng Hunyo, ayon sa Department of Education noong Biyernes. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mga paaralan sa Region 6 na naapektuhan ng Yolanda, hindi pa handa sa pasukan


Dinukot na Pinay at Chinese sa Sabah, malaya na

Matapos ang mahigit dalawang buwan, nakamit na ng Filipina resort worker at turistang Tsino ang kalayaan mula sa mga kamay ng mga dumukot sa kanila sa isang floating resort sa Sabah noong Abril. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Dinukot na Pinay at Chinese sa Sabah, malaya na


Dating tauhan ni Napoles, nagpasulyap sa koleksyon ng mga alahas ng amo

Hindi lahat ng mga ari-arian ni Janet Lim-Napoles – na umano'y utak ng P10-bilyon-pisong pork barrel scam – ay saklaw ng freeze order na nauna nang inilabas ng isang korte sa Maynila ngayong taon. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Dating tauhan ni Napoles, nagpasulyap sa koleksyon ng mga alahas ng amo


Friday, May 30, 2014

Dagdag-pasahe sa probinsya isusunod ng LTFRB

NANAWAGAN si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Winston Ginez na dapat tumalima pa rin ang mga jeepney drivers sa 20 discount para sa mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities.


Ang panawagan ay kaugnay sa ipinatupad na 50 sentimo na dagdag-pasahe sa jeep sa buong NCR, sa Region 3 at Region 4.


Ibig-sabihin, ang minimum na pamasahe ay magiging P8.50 na.


Sa mga estudyante, kinakailangan lamang na magpresenta ng ID bilang patunay. Epektibo ang discount mula Lunes hanggang Biyernes lamang.


Samantala, maaring may mga sumunod pang aprubahan na petisyon para sa dagdag-pasahe sa jeep sa mga probinsya.


Ayon pa rin kay Ginez, ilan sa mga ito ay sa Cebu, Iloilo at iba na maaaring pag-isahin na lamang ang pagdedesisyon batay sa unang inaprubahan na dagdag-singil para sa mga jeep sa NCR, Region 3 at 4.


The post Dagdag-pasahe sa probinsya isusunod ng LTFRB appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dagdag-pasahe sa probinsya isusunod ng LTFRB


Trillanes target ang mas mataas na posisyon sa 2016 elections

HAYAGANG inanunsyo ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kagustuhang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan.


Kaugnay nito, sinabi ni Trillanes na kung anong mas mataas na posisyon sa gobyerno ang kanyang tatakbuhan ay ipinauubaya niya sa magiging desisyon ng Nacionalista Party (NP).


Ilan pa sa mga miyembro ng NP na nagbabalak sa mas mataas na posisyon sa 2016 ay sina Senate Majority Floor leader Allan Peter Cayetano, Sen. Bongbong Marcos at si dating Sen. Manny Villar.


Inaasahang mag-uusap sa tamang panahon ang partido para pagpasyahan kung sino sa mga nabanggit ang pambato sa Presidential at Vice Presidential race sa 2016 elections.


The post Trillanes target ang mas mataas na posisyon sa 2016 elections appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Trillanes target ang mas mataas na posisyon sa 2016 elections


‘Million People March’ gawing mapayapa — Malakanyang

TIWALA ang Malakanyang na hindi mapapataob ng “million people march” ang inihandang aktibidad ng pamahalaan para sa Independence Day Celebration.


Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, kanilang iginagalang ang karapatan ng taong bayan na magtipon at iparating ang kanilang mga papanaw tungkol sa mga isyu tulad ng pork barrel scam.


Kailangan lang na tiyakin ng mga magsasagawa ng protesta na magiging maayos at mapayapa ang kanilang hanay.


Magugunita na tinatayang daan-daang libong Pilipino ang lumahok sa Million People March laban sa pork barrel noong Agosto 26, Araw ng mga Bayani, sa Rizal Park. Naging mistulang bayani ang bawat Pilipino na nagpahayag ng pagtutol sa korapsyon.


Mula Luneta, libu-libo pa ang nagmartsa patungong Mendiola para panagutin si Pang. Benigno Aquino III sa bilyon-pisong pork barrel scam na kinasasangkutan ng mga senador at kongresistang kanyang kaalyado.


Hinamon din nila ang Pangulo na i-abolish ang pork barrel, kabilang ang kanyang sariling pork barrel na umaabot sa P1-Trilyon.


The post ‘Million People March’ gawing mapayapa — Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Million People March’ gawing mapayapa — Malakanyang


OFW sa KSA, hindi MERS ang ikinamatay

NAGNEGATIBO sa MERS-CoV ang isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa Saudi Arabia.


Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng nasawing OFW na tubong Bacarra, Ilocos Norte sa Saudi Arabia, subalit nakahinga na rin sila ng maluwag matapos lumabas na ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ni Charles Ilarder, 41.


Ayon kay Rey Ilarde, kapatid ng biktima, ipinaalam sa kanila ng isang kaibigan ng kanyang kapatid sa Saudi na lumabas sa awtopsiya na hindi MERS-CoV ang ikinamatay ng biktima kundi atake sa puso.


Inamin niya na noong una ay sobra silang nag-alala dahil maaring hindi pahintulutan ang pag-uuwi sa bangkay kung ang naturang virus ang sanhi ng kanyang kamatayan.


Ngayon, ay nabigyan sila ng pag-asa na kahit bangkay na ang kanyang kapatid ay makikita pa nila sa huling pagkakataon.


Sinabi pa nito na ipinaalam din ng kaibigan ng kanyang kapatid na inaasikaso na ang mga kakailanganing papeles sa Saudi upang maiuwi na ang bangkay ng biktima.


The post OFW sa KSA, hindi MERS ang ikinamatay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



OFW sa KSA, hindi MERS ang ikinamatay


Satellite registration ng Comelec sa Luneta, bukas na

IKINASA na ng Commission on Elections (Comelec) ang satellite registration sa Luneta bukas.


Kaugnay nito, hinimok ni Comelec ang publiko na makiisa sa isasagawa nilang satellite registration upang maagang makapagparehistro sa darating na halalan.


Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ito ay talagang para sa mga may kapansan o Persons With Disabilities (PWD).


Gayunman, welcome pa rin naman ang lahat ng mga gustong magparehistro na walang kapansanan.


Kasabay nito, tiniyak ni Jimenez na patuloy ang pagsasagawa nila ng satellite registration upang makahikayat pa ng maraming mga magpaparehistro.


The post Satellite registration ng Comelec sa Luneta, bukas na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Satellite registration ng Comelec sa Luneta, bukas na


Sin tax law, naging epektibo sa mga Pinoy

BUMABAGSAK na ang konsumo sa sigarilyo ng mga Pilipino mula nang maipatupad ang sin tax law sa bansa.


Ayon sa Department of Health (DoH), lumalabas sa survey ng Social Weather Stations, bumaba ng 25-porsyento ang paninigarilyo ng mga nasa Socio Economic Class E o ‘yung mga maituturing na mga sobrang mahirap.


Ang mga nasa edad 18 naman hanggang 28 naman ay bumaba sa 18-prosyento.


Kabilang sa mga nakitang dahilan nito ay ang pagtaas sa presyo ng sigarilyo.


Kaugnay nito, sinabi ng World Health Organization (WHO) na isang mahalagang hakbang ang pagpasa sa sin tax law upang labanan ang paninigarilyo.


Sa ilalim ng tax law, tataas kada taon ang ipinapataw na buwis sa sigarilyo at alak.


The post Sin tax law, naging epektibo sa mga Pinoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sin tax law, naging epektibo sa mga Pinoy


Dagdag-pasahe, ipinagbunyi ng FEJODAP

NAGBUBUNYI ang grupong Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pag-apruba ng LTFRB sa hinihinging fare hike sa mga pampasaherong jeepney.


Sinabi ng chairperson ng FEJODAP na si Zeny Maranan, kahit papaano ay may dagdag na kikitain ang mga driver sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Ayon kay Maranan, sa kanyang paniniwala at batay sa impormasyon na kanilang natatatangap, naiintindihan at wala ring masyadong reklamo ang mga mananakay sa P0.50 na dagdag-pasahe sa mga jeep.


Matatandaan na inaprubahan na ng LTFRB ang dagdag na P0.50 sa pamasahe sa jeep para sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4.


Ayon kay LTFRB chair Winston Ginez, mula sa dating P8 na minimum fare, ay P8.50 na ang pamasahe sa unang apat na kilometro habang dagdag na P0.10 sa kada susunod na kilometro.


Sakop nito ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa regions.


Dagdag ni Ginez, kanilang kinonsidera hindi lamang ang kapakanan ng mga public utility jeepney operators (PUJ) at drivers kundi maging ang mga low- at middle-income classes.


Nagpaalala si Ginez sa PUJ operators na dapat ay kumuha muna ng kopya ng fare matrix bago ipatupad ang fare adjustment.


Epektibo umano ang fare hike sa June 14, 2014.


The post Dagdag-pasahe, ipinagbunyi ng FEJODAP appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dagdag-pasahe, ipinagbunyi ng FEJODAP


7 empleyado ng DPWH, kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng kaso sa tanggapan ng Ombudsman ang pitong empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cordillera dahil sa maanomalyang paggamit ng P2.5 milyong halagang ghost projects sa rehiyon.


Kasama sa makakasuhan sina DPWH CAR Director Edilberto Carabbacan, Former Officer in Charge Antonio Purugganan, Legal Officer Alberto Tremor at Division Chief Juliet Anosan.


Si Purugganan ay napatalsik na sa puwesto sa utos ng Office of the President.


Sa resolusyon ng Ombudsman, sinasabing nagsabwatan ang mga ito para palabasing ligal ang mga proyekto na pawang mga kasinungalingan lamang.


The post 7 empleyado ng DPWH, kinasuhan sa Ombudsman appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



7 empleyado ng DPWH, kinasuhan sa Ombudsman


Pagbalasa sa gabinete ni PNoy, pinabulaanan ng Malakanyang

MARIING pinabulaanan ng Malakanyang ang lumalabas na ulat na magkakaroon ng balasahan sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.


Ayon kay Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, hindi napag-uusapan sa palasyo ang tungkol sa sinasabing cabinet revamp.


Gayunman, sinabi ni Coloma na kung sakali ay wala namang masama dito dahil sa discretion na aniya ng Pangulo kung nais nitong palitan ang isang opisyal.


Una rito, lumabas sa pahayagang Manila Times na papalitan na sa puwesto sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at DOTC Secretary Jun Abaya habang aalis naman sa gabinete sina Finance Secretary Cesar Purisima para umano sumama sa kampo ni Vice President Jejomar Binay.


The post Pagbalasa sa gabinete ni PNoy, pinabulaanan ng Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbalasa sa gabinete ni PNoy, pinabulaanan ng Malakanyang


Surigao, inuga ng 5.1 magnitude na lindol

INUGA ng magnitude 5.1 na lindol ang ilang bahagi ng Hilagang Mindanao kagabi.


Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), partikular na niyugyog ng lindol ang Surigao.


Natukoy ang epicenter nito sa layong 173 kilometro sa timog-silangan ng Surigao City.


Naitala ang pagyanig ganap na alas-11:26 nitong Biyernes ng gabi.


Nakapagtala na rin ng 10 aftershocks sa loob lamang ng mahigit tatlong oras.


Naapektuhan din ng lindol ang ibang lugar tulad ng Surigao City, intensity 4 sa General Luna, Surigao del Norte; intensity 3 sa Tandag, Surigao del Sur; at intensity 2 sa San Jose, Dinagat Island, Surigao del Norte; Bayabas at Tago, Surigao del Sur.


Wala naman naiulat na namatay o nasaktan sa pagyanig.


The post Surigao, inuga ng 5.1 magnitude na lindol appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Surigao, inuga ng 5.1 magnitude na lindol


Pasahe sa jeep, P8.50 na simula Hunyo 14

MANILA, Philippines - Simula Hunyo 14 ay P8.50 na ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at Region 4. .. Continue: Philstar.com (source)



Pasahe sa jeep, P8.50 na simula Hunyo 14


Kinumbinsi ni Erap Ejercito bumaba na sa pwesto

MANILA, Philippines - Bumaba na sa kanyang pwesto si dating Laguna Gov. .. Continue: Philstar.com (source)



Kinumbinsi ni Erap Ejercito bumaba na sa pwesto


Napoles nakabalik na sa Fort Sto. Domingo

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang buwang pamamalagi sa Ospital ng Makati (OsMak) nakabalik na sa kanyang kulungan sa Fort Sto. .. Continue: Philstar.com (source)



Napoles nakabalik na sa Fort Sto. Domingo


Libel vs PNoy minaliit

MANILA, Philippines - Minaliit ng Palasyo ang isinampang libel case ni dating TESDA chief Augusto Syjuco Jr. laban kay Pangulong Aquino. .. Continue: Philstar.com (source)



Libel vs PNoy minaliit


Rehab ng Magallanes interchange sinimulan na

MANILA, Philippines - Sinimulan na kagabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa Magallanes Interchange sa lungsod ng Makati n .. Continue: Philstar.com (source)



Rehab ng Magallanes interchange sinimulan na


P50k multa sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act

MANILA, Philippines - Ipinaalala kahapon ni Senator Franklin Drilon na aabot sa P50,000 ang multa sa mga motoristang lalabag sa Anti-Drunk and Drugged Drivin .. Continue: Philstar.com (source)



P50k multa sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act


Mass leave banta ng mga guro

MANILA, Philippines - Nagbanta ang mga guro na kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na anumang oras ay puwede silang magsagawa ng ‘mass leave’ oras .. Continue: Philstar.com (source)



Mass leave banta ng mga guro


2,000 pamilya nagpatulong kay PNoy vs demolisyon

MANILA, Philippines - Takda nang idemolis ng Philippine Army Task Group Bantay ang mga bahay ng may 2,000 pamil­ya sa Katipunan Village, Sitio Masagana, Siti .. Continue: Philstar.com (source)



2,000 pamilya nagpatulong kay PNoy vs demolisyon


Medical marijuana umusad na sa Kamara

MANILA, Philippines - Inihain na sa Kamara ni Isabela Rep. Rodito Albano III ang panukalang paggamit ng marijuana bilang gamot. .. Continue: Philstar.com (source)



Medical marijuana umusad na sa Kamara


LTFRB, pinayagan ang 50-centimo taas pasahe ng jeepney sa NCR, Region 3 at 4

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nitong Biyernes ang 50-centimo taas-pasahe ng jeep simula Hunyo 14, dahil raw nakahanap na ito ng sapat na batayan para sa pagtaas. .. Continue: GMANetwork.com (source)



LTFRB, pinayagan ang 50-centimo taas pasahe ng jeepney sa NCR, Region 3 at 4


3 utas sa lasing na kagawad

TATLO ang patay matapos bumangga sa puno ng mangga ang multicab na minamaneho ng isang barangay sa Medina, Misamis Oriental.


Kinilala ang mga biktima na sina Gingoog City Bgy. Kagawad Jeffrey Condiza, Awing Dalapiri at Melvin Macamay habang kritikal sa Northern Mindanao Medical Center si Loloy Condiza.


Nabatid na galing sa pista sa Balingoan Misamis Oriental ang mga biktima at sakay ang mga ito sa multicab nang mangyari ang aksidente.


Lasing si Kagawad Condiza dahilan upang bumangga sa puno ng mangga ang kanyang minamaneho.


The post 3 utas sa lasing na kagawad appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 utas sa lasing na kagawad


2 sundalo patay sa military camp blast

PATAY ang dalawang sundalo habang 14 iba pa ang sugatan sa naganap na pagsabog sa military camp sa detachment sa Masbate.


Sa inisyal na imbestigasyon, isang M203 40 mm under-slung grenade launcher ang sumabog sa loob mismo ng Kasanggayan Hall sa Tolda Detachment ng Alpha Company ng 22nd Infantry Battalion at 9th Infantry Division, Philippine Army sa Barangay San Juan, Mandaon, Masbate.


Kinilala ang mga namatay na sina Civilian Active Auxiliary Roberto Mesa at Quicken Reoyan.


Nabatid na naglilinis ng kanilang mga rifle ang mga biktima kung saan nakalagay ang grenade launcher nang bigla may sumabog.


Sugatan din ang 14 pang mga Civilian Active Auxiliary na kasalukuyan naman na nagsasagawa ng briefing malapit sa lugar.


The post 2 sundalo patay sa military camp blast appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 sundalo patay sa military camp blast


Kelot naglason sa harap ng bahay ng GF, todas

PATAY ang isang lalaki nang mag-suicide sa harap mismo ng tinitirhan ng kanyang nobya matapos hiwalayan ng huli sa Quezon City sa ulat ng pulisya.


Nabatid na labis na dinamdam ng biktima na si Jeuz Palad, 19, ang pakikipaghiwalay sa kanyang kasintahan.


Nabatid na sa sobrang sama ng loob ay nagpakamatay ang suspek sa harap ng apartment ng kanyang girlfriend sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner.


The post Kelot naglason sa harap ng bahay ng GF, todas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot naglason sa harap ng bahay ng GF, todas


MAYOR OCA’S KINDNESS

arlie-calalo41 TO motivate primary public school students’ interest in learning, Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan starts distributing free school bags and school supplies immediately following the opening of classes on Monday 2 to over 30,000 elementary students.


“This is a great opportunity for the city government to provide continuous support of bags and school supplies especially to Grade-1 students from 59 public elementary schools in the city,” Malapitan tells this writer. “By providing a backpack filled with school necessities, we are helping a child gain greater access to a world of learning that can only be attained in school.”


The school items that the mayor is distributing this year include notebooks, pencil case containing pencils and erasers and bags, according to Ms. Gigi David, the city’s public information officer, said.


Since assuming post last year, the former lawmaker-turned-local chief executive, has been distributing free school materials under his ‘Tao ang Una’ policy of governance to help financially troubled parents in partnership with the Department of Education-Caloocan.


DepEd-Caloocan has been assisting the city government by monitoring the distribution of the school materials in all public schools and ensuring the orderly and efficient implementation of the program.


POLICE-ON-WHEELS


MEANWHILE, the Valenzuela City police with the support of the administration of Mayor Rex Gatchalian have maximized its community relations after it launched a one-of-a-kind police truck that will not only stop crimes but conduct interfaith dialogs, among others.


Launched recently, the Valenzuela Police-On-Wheels is practically a moving police precinct, says police chief Senior Supt. Rhoderick Armamento who’s been hailed for such idea that other police stations outside the city want to follow suit.


Extra-gratified by the support the police get from the Gatchalian administration, Col. Armamento says the VPOW is an L-300 truck with a compact office inside and is also stocked with search and rescue equipment.


The police chief says the transformation van is equipped with police blotter, PA system, Wi-Fi for online vehicle verification, e-warrant and e-rogues.


“It can process police clearance in blotter excerpts thereby bringing the police and the city government much closer to the hearts and minds of the residents,” he says.


Mayor Gatchalian says there are already two VPOWs that have been roving around the city everyday, run by three three-person teams that are working in shifts.


We learn that city government plans to add 10 more VPOWs within the year.


As in any precinct, residents can file complaints at the VPOW, which they both described it as having strong potential as crime deterrents.


“With these trucks driving around the city, anyone would think twice before committing any crime. People would also feel more secure when they know a VPOW would pull over at their street anytime of the day,” according to the former lawmaker-turned-mayor.


The post MAYOR OCA’S KINDNESS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAYOR OCA’S KINDNESS


PAMILYA + VALUE

burdado-jun-briones2 NAKALULUNGKOT, mga parekoy, ang mga istoryang nag-banner sa iba’t ibang tabloid, kasama na rin ang aming mahal na Remate.


Ang mga ito ay ang pagpaslang ng isang 31-anyos na ama sa kanyang 7-anyos na anak na babae dahil sa pag-iwan ng kanyang misis na nagtungo sa Canada, kasama ang kaibigang lalaki.


Brutal na pinatay ni Mark Alvin Manlinlic ng Novaliches, Quezon City ang anak na si Angel at para ipalasap sa kanyang misis ang hapdi ng pag-iwan, ginawa pang picture profile ang kamamatay na anak.


Eto pa, ilang araw makaraan ang nakahihindik na balita, pinatay naman ng isang balikbayan ang kanyang misis na balikbayan din noong isang linggo sa kanilang bahay sa Roxas District, Quezon City.


Sa ulat, umiiyak ang kanilang anak na limang-taong-gulang na lalaki dahil sa gutom ngunit walang kaalam-alam na patay na ang kanyang mga magulang na apat na araw pa lamang nagsasama rito sa Pilipinas.


Dahil si mister ay galing ng Japan habang si misis ay may isang buwan na sa bansa mula sa Dubai at mismong araw kung kailan siya patungo muli sa nasabing bansa ay pinaslang siya ng kabiyak.


Ang motibo, labis na nagseselos si mister kay misis at upang mapakalma ng huli ang una, hinimok nitong sumama na rin sa Dubai at iwan ang kanilang anak.


Gayunman, hindi nagkasundo kaya naman binaril daw ni mister si misis sa ulo saka nagbaril sa dibdib. Tsk, tsk, tsk!


Isa pang kaso, pitong beses na sinaksak at anim na beses tinaga ni misis ang kanyang 3-anyos na anak na babae sa Benguet nito lamang Martes. Homaygad!!!!


May ina palang ganoon?!?


Ang motibo, iniwan din ni itay si inay kaya naman napagbalingan ang kanilang walang muwang na anak.


Bagaman pansariling problema ito, hindi ba’t may obligasyon din ang pamahalaan na ireporma ang pag-iisip ng lahat?


Sa sunod-sunod na krimeng ganito na family vs family ang kategorya, hindi kaya masyado nang nabubulagan ang tao?


Mayroon tayong Department of Social Welfare and Development na hindi lamang materyal ang dapat itaguyod kundi kapakanan na rin ng taumbayan. Pero mukhang abala ang DSWD sa pamumudmod ng kanilang doleout sa anyo ng Conditional Cash Transfer at nakalilimutan na maglaan para humikayat na magbigay ng pagpapahalaga sa kapwa.


Maaaring seminar o mga aktibidad na muling maibalik ang ating good trait bilang Pinoy. Sana hindi pa huli ang lahat, na maibalik ang ating magandang katangian, ang maging mapagmahal sa pamilya!


The post PAMILYA + VALUE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAMILYA + VALUE


BULLSHIT

baletodo TANGA ba o nambobola lang ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III? O baka naman sadyang takot lang siya sa kanyang mga tauhan kaya kahit palpak na sa trabaho, ipinagtatanggol pa niya?


Noong una, nagyabang ang kanyang energy secretary na kapag hindi raw niya naibalik ang kuryente sa loob ng 100 araw, magbibitiw ito sa tungkulin. Dumating at lagpas na ang taning, nagbitiw ba? Dinepensa pa siya ni Noynoy!


Sumunod, hindi na raw halos naliligo ang mga taga-DSWD para matiyak ang tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Bigla, nakita ang mga pagkain at gamit mula sa foreign donations sa mga grocey at supermarket. Kinastigo man lang ba niya?


Pumutok ang baho ng tangkang pagkikil ng US$30 milyon sa Inekon Corp. ng Czech Republic na kaharap mismo ang Czech Ambassador, sa halip na mag-imbestiga, hinayaan lang ni Aquino ang usapin na hanggang ngayon ay mainit pa rin. Tinanggal si MRT3 GM Al Vitangcol na nagsabi naman na ginawa lang daw siyang fall guy?


Mainit na usapin ngayon dahil magpapasukan na sa eskwela. Lahat ng media report sa buong bansa ay ang kakulangan ng classrooms at libro. Mismong mga opisyal na ng Department of Education (DepEd) ang nagpapaliwanag at humingi ng dispensa.


Pero sa isang pagtitipon, nagyabang si G. Aquino na nakagawa na raw ang kanyang administrasyon ng mahigit na 66 na libong classrooms?


May patutsada pa ang student council president nang sabihin niya ang kanyang nagawa – na ang 66 libo na classrooms daw ang hindi nagawa ng kanyang Ateneo titser na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (pGMA)!


Ewan kung nag-iikot itong lider ng Liberal Party. Ewan kung bulag siya sa katotohanan. Naglalakihan ang mga larawan ng mga eskwelahang yari sa kawayan at pawid. May mga sementado, may yero at dingding ngunit warat naman halos. May kubeta nga, mahihiya naman pati mga langaw at lamok dahil sa dumi.


Binola ba o nagpabola ang Pangulo? Sabi kasi ng PAGCOR, bilyon-bilyon daw ang kanilang ginastos sa pagtatayo ng mga eskwelahan. Saan ninyo itinayo? Baka naman sa China pa?


Hindi masama ang maging totoo, Mr. Noynoy. Maging tapat ka lang sa sarili at sa tao ayos na ‘yun.


Don’t bullshit us. Do not make us fools to believe your stupid stories of performances. Show us your concrete proof just like when you fooled, that is what you think, the representatives of the just concluded World Economic Forum (WEF) that under your broken wings, you delivered an economic miracle to our country.


It’s a bullshit!


The post BULLSHIT appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BULLSHIT


ESTRELLA’S LUCK

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT KATUPARAN ng pangarap na matagal nang hinahanap, natagpuan ng isang Pinay sa Thailand!


Sa Pattaya, Thailand ay nakilala ko si Estella Umprasert, ang negosyanteng Filipinang nagmamay-ari ng isang antique shop doon na sikat na sikat at tunay na dinarayo ng maraming parokyano.


Bagaman maganda na ang estado ng buhay ni Estella sa kasalukuyan, hindi pa rin niya nakalilimutan ang kahapon na kanyang pinagdaanan.


Nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Samar, Leyter si Estella, at bata pa lamang siya nang maulila sa magulang, dahilan upang higit niyang madama ang hirap ng buhay.


“’Yung father ko namatay siya 7 years old lang ako, tapos ‘yung mother ko nu’ng pagka-graduate ko nang elementary namatay na rin siya. Ang buhay ko ay talagang mahirap kaya nagsikap ako na makapag-aral ako,” maramdaming kuwento niya.


Upang matustusan ang gastusin sa pag-aaral, nagdesisyon siyang lisanin ang kanilang bayan at magtungo sa Maynila upang maghanap ng trabaho.


Sa isang maliit na tindahan sa Quiapo siya dinala ng kapalaran bilang isang sales lady. Kasabay ng pagbabanat ng buto ay nag-aral siya ng kursong secretarial. Dito niya nakilala ang Thai na kanyang napangasawa at nang makapagtapos ng kolehiyo ay sumama siya rito patungong Thailand.


Sa Thailand ay naging isa siyang guro, bago niya naisipang pasukin ang mundo ng pagnenegosyo.


Sa tulong ng isang matalik na kaibigan na siyang nagpahiram sa kanya ng puhunan ay naipatayo niya ang kanyang antique shop.


Mga imahe ni Buddha, lucky charms at mga kahoy o carvings na may iba’t ibang hugis ay matatagpuan sa tindahan ni Estella.


Unti-unti ay nakilala at dumami ang tumatangkilik sa kanyang shop na karamihan ay mga turistang mula pa sa Europa at Amerika.


Sa paglipas ng panahon, higit na dumami ang paninda niya, kung noo’y mga antigong gamit lamang ang kanyang mga tinda unti-unti ay nadagdagan ito ng iba pang mga produkto gaya ng necktie.


Dahil din sa patuloy na pagtitiyaga at pagsisikap niya ay nadagdagan din ang kanyang mga negosyo.


Isang computer shop at beauty salon ang nadagdag sa pinagkakakitaan niya.


Sa pagtatapos ng aming kwentuhan ay isang payo at mensahe ang kanyang iniwan para sa mga kapwa Filipino na nagnanais na maging kagaya niyang matagumpay sa buhay.


“Isipin mo ang kasipagan, darating ang araw na ang biyaya ng Diyos, ibibigay sa ‘yo,” pagtatapos na wika niya.


Para kay Estella Umprasert, ang hindi pagsuko at pananatiling nakatayo ang naging daan upang kanyang makamtan ang kanya ngayong mga yaman.


*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


The post ESTRELLA’S LUCK appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ESTRELLA’S LUCK


ER SA PINAS SANDAMAKMAK

CHOKEPOINT bong padua WALA akong matandaan na politikong natanggal sa puwesto dahil sa ‘excessive election spending’ kundi si Laguna Gov. ER Ejercito.


Nilabag, ayon sa Comelec, ni Ejercito ang ipinagbabawal nilang ‘overspending’ sa nakaraang May 2013 election.


Ang utos na ito ng poll body ay kapuri-puri dahil pagkatapos ng maraming taon na pagpapatupad ng halalan ay may natanggal na lumabag sa naturang batas.


At ang malas na nahuli ng Comelec sa sinasabi nilang paglabag sa ‘overspending’ law ay si Ejercito.


Malas siya dahil sa rami ng lumalabag sa batas na ito, siya ang nasakote at ngayo’y kanyang pinagdurusahan.


Kung talagang paiiralin ang overspending law, siguradong iilan lang ang matitirang senador, kongresista, gobernador at mayor.


Marahil ay naging careless si Gov. ER sa paggasta ng kanyang campaign fund kaya ang ‘di inakalang pagkakamali ay nasilip ng kalaban.


Dahil sa ulat, ang kalaban sa pulitika ni Gov. ER ang nagsubo sa Comelec ng mga ebidensya na dahilan ng kanyang pagkakatanggal.


Kumbaga, ‘di na kinailangan ng poll body ng mahabang panahon para mangalap ng ebidensya para siya’y madiin sa nasabing kaso.


Sa mismong bibig ni Chairman Sixto Brillantes nabalita na napakaraming kaso ang kanilang iniimbestigahan ukol sa mga politikong sumobra raw ang gastos sa election.


Pero dahil ang mga nagsusumbong at nagrereklamo ay kulang sa ebidensya kaya nagtatagal ang kaso at sa kalaunan ‘di napatutunayan ang sumbong.


Tama si Chairman Brillantes. Kailangan nila ang tulong ng mga naghahahain ng reklamo para matanggal ang lumalabag sa ipinagbabawal na overspending law.


Dahil ang mga nagrereklamo ang higit na nakaaalam kung ano ang nangyayari sa labas kapag panahon ng kampanyahan.


Sa bansa natin, napakaraming tusong politiko ang gumagamit ng limpak-limpak na salapi para bumili ng boto at manalo.


Sandamakmak ang ‘ER’ sa Pinas. ‘Yan ang totoo.


The post ER SA PINAS SANDAMAKMAK appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ER SA PINAS SANDAMAKMAK


‘Most’ o ‘least’ guilty si JLN man, parusahan pa rin

“JANET Lim Napoles is still guilty and should be held accountable for her actions.”


Ito ang pahayag ni Sen. Bam Aquino, maging most guilty o least guilty man siya sa P10-bilyong anomalya sa ‘pork barrel scam’.


Ayon sa bagitong solon, taos-puso man ang pagsisisi at paghingi ng tawad sa taumbayan ni Napoles marapat lang na idaan pa rin sa masusing pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) at ikumpara ng mabuti sa naunang testimonya ng whistleblowers na sina Benhur Luy at Ruby Tuason ang mga dokumento na hawak nito.


“The other cases filed with the Ombudsman underwent the same process so it is imperative that Napoles’ affidavit goes through the same process to determine its truthfulness,” ani Aquino.


Kung mapatutunayan naman aniya na pawang kasinungalingan lang ang salaysay ni Napoles, sinayang niya ang malaking pagkakataon para makabawi sa kasalanang nagawa sa taumbayan.


The post ‘Most’ o ‘least’ guilty si JLN man, parusahan pa rin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Most’ o ‘least’ guilty si JLN man, parusahan pa rin


50-sentimong dagdag-pasahe inaprubahan na ng LTFRB

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes ang 50-sentimong taas-pasahe sa jeep simula Hunyo 14. .. Continue: GMANetwork.com (source)



50-sentimong dagdag-pasahe inaprubahan na ng LTFRB


Kotse bumaliktad sa SLEx, 3 sugatan

TATLONG miyembro ng pamilya ang nasugatan makaraang bumaligktad ang sinasakyang kotse sa South Luzon Expressway (SLEx), kaninang ala-1:00 ng hapon, Biyernes.


Bumaliktad ang minamanehong Honda Civic (WDN 394) ni Felino de Leon makaraang mabangga nito ang concrete barrier malapit sa northbound Susana Heights Ext.


Ayon kay De Leon, nawalan siya ng kontrol kaya siya bumangga at nawasak pa ang kotse.


Bukod kay De Leon, nagtamo rin ng minor injuries ang asawa’t anak nitong babae na agad ginamot ng SLEx Emergency team.


Nagdulot ng matinding trapiko ang aksidente sa northbound at southbound lane ng highway.


The post Kotse bumaliktad sa SLEx, 3 sugatan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kotse bumaliktad sa SLEx, 3 sugatan


A hot-button personality..

THE cryptic Tweet of the controversial Vice Ganda, “I tried but I’m tired. Time to rest,” stirred the hornet’s nest and consequently made the rookie player of Global Port in PBA, Terrence Romeo, react and deny their rumored failed romance.


The father of TR also reacted and even made the situation worse by being a homophobic, thus, soliciting an intelligent reaction from the LGBT spokesperson, the King of Talk, Boy Abunda. And Kris Aquino joined the circus by issuing statements in defense of Vice.


Wow, Vice is indeed a hot-button personality. Even his lovelife is now a national issue hugging a couple of headlines on national broadsheets.


Now, we understand why he chose to seal his mouth whenever his love life (and sex life) is active.


-0-


INDIE Prince Norris John is so excited as his newly opened billiard business in Valenzuela City is doing good. Currently, Norris got two tables but in a few weeks to come, he promised to purchase two more for the billiard-loving public in Valenzuela.


Aside from the tables, Norris is also planning to grab a couple of Pisonet machines where you can surf and browse by inserting one peso on the slot. Norris is indeed a business-minded person.


Of late, Norris is doing a regular co-hosting job over at DZME 1530 every Monday at 11AM. Catch the Indie Prince every Monday and join the fun and laughter with this adorable guy.


Anyway, a new advocacy movie is falling on Norris John’s lap, sooner than soon.


-0-


THE versatile co-host of German Moreno on his Master Showman Walang Tulugan at GMA7, Pauline Aguilar, never runs out of project. And that should be the case for a diligent artist like her.


Pauline just wrapped up a TV Commercial with Ramon Bautista, shooting a series of Canesteen endorsement. She is so excited because of the comedy/horror kind of commercial which is really one of a kind, as she described it.


Aside from TVCs, Pauline is also busy with her regular show in GMA7, Walang Tulugan and her studies.


Kuya Germs must be proud of this girl and we are wishing you more projects to come on your way.


-0-

For reactions, please text 09354486886. Mga kabarkada, kung meron kayong secret experience na gustong ibulong kay Kuya Jay Machete, hanapin lang ang Facebook Fanpage ni Kuya Jay Machete, i-like, at i-post ang inyong secret experience at ‘yon ay babasahin ni Kuya Jay Machete sa 91.5 Big Radio, 9PM-1AM na may kasamang bonggang-bonggang payo.


The post A hot-button personality.. appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



A hot-button personality..


Cool lang ang relasyon at hindi kumplikado!

ITINANGGI ni Lovi Poe na “Hon” na ang tawagan nila ni Rocco Nacino. Rocco at Lovi lang daw ang tawagan nila pero naging open na si Lovi tungkol kay Rocco nang makatsika namin sa grand presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real kasama sina Maricel Soriano at Dingdong Dantes.


“Well, nag-Europe na kami, e. Ha!ha!ha!” reaksyon niya.


More than friends na sila?


“Yeah, we’re definitely not just friends,” diretso niyang sagot.


Masaya raw siya ngayon. Nakatulong din ang pagbabakasyon niya sa Europe kasama si Rocco at nakapag-reflect. Nagkita raw sila ng sister niya na nagbakasyon din sa London. “Ang tagal ko ring hindi nagbakasyon nang mahaba. It was a fresh start again. Parang reset button siya sa akin,” sey pa niya.


Very light at very fun ang relasyon nila ni Rocco.


“Kasi ako, I love to laugh. E, siya..siguro hobby niya ang pagpapatawa,” sambit pa niya.


So clown ang gusto niya?


“Ha!ha!ha! ‘Yun din ang sabi niya sa akin, clown ba ako?” sey pa ni Lovi.


“He’s very funny at matalino siya. Masarap kausap,” pagsasalarawan pa ni Lovi kay Rocco at first time siyang nagsasabi sa press ang mga qualities ni Rocco.


Pero hindi niya masasabi ngayon kung saan hahantong ang relasyon nila ni Rocco.


Hindi pa raw niya naiisip kung gaano kaseryoso dahil ini-enjoy pa nila ang company ng isa’t isa gaya ng pagta-travel. Hindi pa ito ‘yung tipo na diretso na sa kasalan.


“Malayo pa ako run,” sambit pa niya.


Anyway, sa Lunes (Hunyo 2) na ang initial telecast ng Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA Telebabad kapalit ng Rhodora X. Kasama rin sa serye sina Robert Arevalo, Celeste Legaspi, Tommy Abuel, Jaime Fabregas, Susan Africa, Ms. Coney Reyes, Alessandra de Rossi, Dominic Roco, Rodjun Cruz, Marc Abaya at Marc Justine Alavarez.


‘Yun na!


-0o0-


KAHIT si Sarah Geronimo ay naging open din kay Kris Aquino sa the Buzz nang tanungin ang larawang kasama niya si Matteo Guidicelli, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.


“Supposedly magre-race po yata siya, si Matteo po, kaya lang he wasn’t feeling well kaya hindi siya nakatuloy. Binisita lang po namin si Kuya Ryan and Ate Juday,” sey niya pero kasama raw ang Daddy Delfin niya.


Inurirat din si Sarah kung si Matteo nga ba ang sinasabi ni Coco Martin na madalas ka-text niya nu’ng nagso-shoot sila ng Maybe This Time.


“Opo baka siya nga po yung ka-text ko noon,” pag-amin niya.


Speaking of Sarah at ibang coaches ng “The Voce Kids” gaya nina Bamboo at Lea Salonga, tinututukan ang unang batch ng young artists na nagpakitang gilas at gamit lamang ang kanilang boses sa Blind Auditions ng programa.


Siyam na young artists na ang nakapagpaikot sa chairs ng coaches at tiyak na mas titindi pa ang tensyon sa pagitan nila. Mayroon nang dalawang young artists na pasok sa Team Sarah, apat sa Team Bamboo, at tatlo naman sa Team Lea.


Sinu-sinong artists pa ang papasa sa panlasa at pandinig ng tatlong coaches?


Anu-anong paraan ang gagamitin nila para mapili ng artist na kanilang pag-aagawan? Sino sa mga voice kids ang masuwerteng mananalo ng Camella house and lot ng Vista Land ni Chairman Manny Villar bilang isa sa mga sponsor.


Bale 2nd time nila na mag-sponsor ng house and lot sa Kapamilya shows ngayong taong ito. Una ‘yung Bet on your Baby ni Judy Ann Santos. Actually bongga ang mananalo sa The Voice Kids kasi may premyong house and lot unlike sa naunang The Voice na wala.


Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Blind Auditions sa The Voice Kids tuwing Sabado, 6:45 PM at Linggo, 7:30 PM sa Yes Weekend ng ABS-CBN.


The post Cool lang ang relasyon at hindi kumplikado! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Cool lang ang relasyon at hindi kumplikado!