Saturday, April 26, 2014

Seguridad kay Obama largado na

LARGADO na ang ikinasang seguridad sa pagbisita sa bansa ni US President Barack Obama sa Lunes, Abril 28.


Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, bagamat nagkaroon na sila ng initial briefing hinggil dito ay nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa Presidential Security Group (PSG) at US Security Forces.


Sinabi ni Zagala na nakalatag na rin ang seguridad sa mga natukoy na places of engagement ni Obama.


Sa ngayon, binigyang diin ni Zagala na wala silang anumang security threat o banta sa seguridad sa pagbisita sa Pilipinas ni Obama.


Sa Kabila nito, makikiisa rin ang ilang Pinoy na naka-base sa Amerika at iba pang bansa sa kilos protesta laban sa pagbisita ni US President Barack Obama sa bansa.


Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan, nakakasa na ang 20 mga US based organization na kaalyansa ng grupo upang magsagawa ng malawakang kilos protesta.


Iginiit ng grupo na nanatili ang karapatan sa kalayaan sa pamamahayag kahit pa ngayong padating ang Pangulo ng Amerika.


The post Seguridad kay Obama largado na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Seguridad kay Obama largado na


No comments:

Post a Comment