Saturday, April 26, 2014

Hindi nagtago: Cedric Lee abala sa negosyo nang matimbog

IGINIIT ng kampo ng negosyanteng si Cedric Lee na abala ito sa pagnenegosyo nang maaresto ng awtoridad sa Eastern, Samar.


Ayon kay Lee, nasa Eastern Samar sila para asikasuhin ang kanilang negosyo roon at hindi para takasan ang kaso.


Giit pa ng negosyante na kusa silang sumuko sa operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI).


Kaugnay nito, kinontra ng negosyante ang mga pahayag ni Justice Sec. Leila de Lima na nagtangka silang tumakas bago naaresto ng mga tauhan ng NBI.


Magugunitang sinabi ng kalihim na hinabol pa ng mga awtoridad sina Lee at Zimmer Raz bago nadakip habang sakay ng kanilang kotse sa Oras, Eastern Samar.


Sinabi pa nito na hindi siya nagtago sa batas matapos maglabas ng warrant of arrest para sa kasong serious illegal detention at grave coercion na isinampa ng TV host-actor na si Ferdinand “Vhong” Navarro.


Magugunitang tiniyak pa ng kampo nito na hindi siya tatakas dahil haharapin nila ang mga kasong isinampa ni Navarro.


Dahil sa pagkakaaresto, makukulong sina Lee at Raz sa NBI detention facility sa Maynila.


The post Hindi nagtago: Cedric Lee abala sa negosyo nang matimbog appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi nagtago: Cedric Lee abala sa negosyo nang matimbog


No comments:

Post a Comment