Wednesday, April 9, 2014

Raymart at Gretchen tiklop kay Atty. Topacio

SIGURO kung napunta si Claudine Barretto sa ibang legal counsel, hanggang ngayon ay parehong tulog ang mga kasong isinampa niya laban sa ex husband na si Raymart Santiago.


Pero dahil ang number 1 lawyer nga ng bansa na si Atty. Ferdinand Topacio ang kinuha niya para humawak ng kanyang mga kaso ay uumusad ito. Although hindi sila natuwa sa pagtanggal ng korte sa isinampa nilang Permanent Protection Order (PPO)laban kay Raymart hindi para makalapit ang actor sa kanyang mag-iina.


Tinanggap pa rin ito ng buong puso ni Clau alang-alang sa kapakanan nina Santino at Sabina pero matapos katigan ng korte ang Kapuso actor, ginawa ba nito ang kanyang obligasyon para madalaw ang mga anak at magbigay ng sustento para sa mga bata?


Base sa narinig namin, wala as in deadma ang tatay ni Santino sa kanila at mukhang mas importante pa rito ang ibang tao kaysa sa kanila.


Samantala, masuwerte si Claudine dahil sa bawat hearing nila ay hindi nawawala sa tabi ng actress si Atty. Ferdie. Talagang sinusuportahan at pinoproteksyonan siya ng labs at Bff naming abogado.


Kaya nga hindi makahirit si Raymart, maging ang kakampi nitong si Gretchen Barretto, dahil alam nila na hinding-hindi sila uurungan ng paboritong lawyer ng mga malalaking tao sa lipunan. Kung wala ang nasabing abogado ay tiyak na kawawa si Claudine dahil pagkakaisahan siya ng dating mister at ng sister na si Greta.

Knowing Raymart na api-apihan ang pino-project nitong image sa publiko, pero ang totoo, mukhang isang malaking salot siya sa buhay ni Clau.


By the way, sa huling pakikipag-usap namin kay Atty. Topacio, sinabi nitong tuloy-tuloy pa rin ang kanilang hearing para sa kasong RA-9262 Violence Againts Women(VAV). At ‘di raw siya titigil sa pakikipaglaban hangga’t hindi nakakamit ni Claudine ang hustisya sa mga pananakit sa kanya ni Santiago.


Masyadong abala pala ngayon si Atty. Ferdie dahil kararating lang nito galing sa ilang business meeting sa Hongkong, ngayon naman ay nasa Davao siya para sa mahalagang event at this week ay aalis naman siya papuntang Europe. Jetsetter ang amigo naming abogado gyud!


MGA PANINIRA ‘DI MAKAAAPEKTO KAY DANIEL PADILLA


DAHIL sa wala silang masilip na puwede nilang ipintas sa isa sa pinakasikat nating young singer-actor na si Daniel Padilla. ‘Yung pagkanta na lang ni Daniel sa mga musical variety show ang binabantayan ng mga okrayistang blogger tapos sisiraan na nila ito sa website na kanilang pinagsusulatan.


At kung noon ay hindi nagtagumpay ang mga ito dahil hindi nagpaapekto si Daniel, sa pagkaka-awit niya ng Nasa Iyo Na Ang Lahat, napahiya sila dahil nanalo nga ito last year sa Himig Handog P-Pop Love Song.


Ngayon naman ay binibira nila ang batang aktor dahil binaboy raw nito ang OPM Classic song ng Apo Hiking Society na Binibini nang kantahin niya ito last Sunday sa ASAP.


Palibhasa’y nabubuhay sa nakaraan ang mga taong ito at hindi nila alam ang mga tunog bagets. Syempre hindi naman kasingtanda nina Danny Javier, Jim Paredes at Boboy Garovillo si Daniel para gayahin sila nito. May sariling tunog naman ang young actor at tanggap ng mga ka-genra niya ang sariling version ng mga kinakanta.

At bilang patunay na hindi affected ang mga fans sa mga intrigang ipinupukol sa kanilang idolo, suportado nila ang lahat ng mga project nito lalung-lalo na ang folow-up na concert ni Daniel sa Big Dome o Smart-Araneta Coliseum na Dos: The Daniel Padilla Concert At The Big Dome na mapanonood sa April 30 (Wednesday) na halos sold-out na ang tickets.


Balita pa namin ang natitira na lang ay ‘yung para sa lower box, upper box at general admission kaya sa mga wala pang ticket? Tawag na agad sa Ticketnet hotline sa 9115555. Tiyak na sa bagong concert ay mag-eenjoy ang lahat dahil this time ay kakantahin ni Daniel ang mga bago at lumang old-school rock songs na malapit sa puso niya gaya ng “One Way – or Another ng Blondie, Something ng Beatles, at You Really Got Me naman ng Van Halen.


Makikipag-jamming sa Dos Concert ng nasabing #1 Hearthrob ang OPM Rock Icon na si Rico Blanco, actor-singer na si Khalil Ramos, at banda niyang Parking 5, The Reo Brothers, ang bandang binubuo ng apat na magkakapatid na lumikas mula sa Tacloban matapos salantain ng super typhoon Yolanda.


May espesyal ding production number si Daniel, na magsi-celebrate ng kanyang 19th birthday sa April 26 kasama ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo na special sa puso nito at may iba pang surprise guests.


Ang Dos Concert ni Padilla ay produced ng ABS-CBN Intergrated Events at Star Event.

Para sa mga karagdagang impormasyon kaugnay ng nasabing konsyerto, bisitahin ang Facebook page ng Star Records sa http://ift.tt/1jbqhU9 o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.


The post Raymart at Gretchen tiklop kay Atty. Topacio appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Raymart at Gretchen tiklop kay Atty. Topacio


No comments:

Post a Comment