Wednesday, April 2, 2014

Manila Cathedral bubuksan sa publiko sa Abril 9

MULI nang bubuksan sa publiko ang makasaysayang Manila Cathedral sa susunod na linggo matapos ang mahigit dalawang taong pagkukumpuni.


Sinabi ni Manila Cathedral rector Monsignor Nestor Cerbo na sa Abril 9 ay nakatakda nang buksang muli ang Manila Cathedral, o Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception.


Una nang isinailalim sa major repairs ang cathedral noong Pebrero 7, 2012 matapos matuklasan na ang ilang mahahalagang bahagi ng gusali ay hindi nakasunod sa 2010 edition ng National Structural Code of the Philippines (NSCP).


Ayon kay Cerbo, katatapos lamang ng structural retrofitting ng cathedral na may 432-taong gulang na ngayon.


May P70 milyon ang nagastos sa naturang major repairs kaya’t laking pasalamat ng Simbahang Katoliko sa mga taong nagkaloob ng tulong upang maibalik sa dati ang simbahan.


Bunsod nang pagbubukas ng Cathedral, inaasahang ang Holy Week service ngayong buwan ay maidaraos na doon.


The post Manila Cathedral bubuksan sa publiko sa Abril 9 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Manila Cathedral bubuksan sa publiko sa Abril 9


No comments:

Post a Comment