Tuesday, February 24, 2015

US troops sa Zamboanga, aalis na

AALIS na ng bansa ang ilang miyembro ng US Special Forces na naka-base sa Zamboanga City.


Ito’y bunsod ng deactivation ng Joint Special Operations Task Force-Philippines, matapos ang 13 taon.


Ang flag-raising ceremony ay isinagawa bilang hudyat ng pagtatapos ng kasunduan sa pagitan ng Armed Forces Western Mindanao Command at Special Task Force.


Gayunman, ilang Amerikanong sundalo ang maiiwan o papalit sa special force sa susunod na buwan upang tumulong naman sa AFP sa pagsugpo sa terorismo.


Bago ang closing ceremony, nag-alay ng sandaling katahimikan ang mga kawal para sa 17 sundalong Amerikanong sundalo na nasawi sa kanilang tour of duty sa Pilipinas. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



US troops sa Zamboanga, aalis na


No comments:

Post a Comment