KINUMPIRMA ngayon na sinunog ng mga armadong lalaki ang bahay na tinirhan ni Malaysian terrorist Zulkipli Bin Hir alyas Marwan sa Maguindanao.
Ayon kay Kumander Haramen, tumatayong operations officer ng 7th Brigade ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), natupok na ng apoy ang bahay alas-9:30 kagabi.
Kabilang sa mga nasunog ang dalawang bahay na malapit lamang sa tinitirhan ni Marwan.
Kung maaalala, si Marwan ang naging pangunahing misyon ng PNP-Special Action Force (SAF) na tinaguriang ‘Oplan Exodus’ na nagresulta sa pagkasawi ng 44 na troopers noong January 25.
Ayon naman kay Kumander Haramen, sadyang sinunog ng mga armadong lalaki ang bahay ni Marwan sa Bgy Pidsandawan, Mamasapano, Maguindanao.
Malaki naman ang paniniwala ni Mamasapano chief of police S/Insp. Regi Albellera na posibleng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ilang armed lawless group ang sumunog sa bahay ni Marwan para iligaw ang imbestigasyon ng PNP-Board of Inquiry (BOI).
Kahapon ay tumungo sa encounter site sa Mamasapano ang BOI para kumalap pa ng mga karagdagang ebidensya. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment