PINAYUHAN ng isang kongresista si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na ‘wag munang magkukumahog sa tax obligation ni People’s Champ Manny Pacquiao.
Ayon kay Northern Samar Rep. Emil Ong, dapat na huwag munang gumawa ngayon ng issue ni Henares upang mabigyan ng peace of mind si Pacquiao.
Dapat ay suporta ang ipagkaloob ngayon sa ating pambansang boksingero sa pagharap nito kay undefeated American boxer Floyd Mayweather, Jr.
Sinabi naman ni Manila Rep. Amado Bagatsing, hindi pera o buwis kundi ang karangalan ng Pilipinas ang siyang nakasalalay sa mega fight.
Una nang umapela ang ibang kongresista na unawain ang madalas na pagiging absent ng boksingerong mambabatas dahil sa kanyang boxing training. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment