GUGUSTUHIN na lamang ni dating Tarlac Gov. Margarita “Tingting” Cojuangco na mangibang bansa sa oras na tumakbo sa pagka-gobernodor ng lalawigan o sa kahit anong puwesto sa gobyerno ang kanyang pamangking TV host-actress na si Kris Aquino.
Nakatanggap ng mga ulat si Cojuangco na tatakbo umano sa 2016 election ang aktres upang ipagtanggol ang kuya nitong si Pangulong Noynoy Aquino.
Aminado ang dating gobernador na marami na silang kaanak sa politika at ayaw na niyang dumagdag si Kris sa kanilang “family dispute.”
Isa lamang ang maaaring pumrotekta kay Pangulong Aquino at walang iba ito kundi si Vice-President Jejomar Binay.
Magugunitang naging mahaba ang kasaysayan ng mga Cojuangco maging ng mga Aquino sa takbo ng politika sa Tarlac at ilang miyembro ng mga maimpluwensyang pamilya ang sumabak sa eleksyon sa nakalipas na mahigit kalahating siglo. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment