Tuesday, February 24, 2015

EDSA People Power anniv, sasalubungin ng kilos-protesta

BUBULABUGIN ng kilos-protesta ng mga militante ang pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng EDSA People Power 1 ngayong Miyerkules.


Isasabay ng grupong BAYAN sa selebrasyon ang unang buwan mula nang mangyari ang madugong bakbakan sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 SAF commandos noong Enero 25.


Ayon kay BAYAN Sec. Gen. Renato Reyes, lumilinaw na ngayon ang lahat sa pagtatapos ng Senate probe sa isyu na nagtuturo kay Pangulong Noynoy Aquino, na siyang may responsibilidad umano sa pangyayari.


Dahil ito sa pagkakatiwala umano ni PNoy sa isang suspendidong heneral, na ngayo’y nagbitiw nang si Alan Purisima ang Oplan Exodus.


Sa harap ng Camp Crame magtitipon ang BAYAN na susundan ng human chain na magmamartsa patungong EDSA Shrine.


Martes pa nang nagsimulang magprotesta ang mga taga-Southern Tagalog, mga taga-Cavite at Laguna, na bumiyahe patungong Baclaran Church at doon tahimik na nagprotesta. Panawagan nila na panagutan ng administrasyon ang nangyari sa Mamasapano.


Magsasagawa sila ng symbolic march dala ang puting bulaklak at alas-7:00 ngayong umaga maglalakad mula Baclaran papuntang Welcome Rotonda, Cubao, at sunod na gagawin ang human chain sa Camp Crame papuntang EDSA Shrine.


Sunod ding magsasagawa ng vigil ang grupo sa bantayog. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



EDSA People Power anniv, sasalubungin ng kilos-protesta


No comments:

Post a Comment