Monday, February 2, 2015

Temperatura sa Metro Manila, sumisid na sa 18.3°C

SUMISID na sa 19.°C ang temperatura sa Metro Manila alas-2:00 ng madaling-araw.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Meno Mendoza, posibleng bumaba pa ito ngayong alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga.


Nitong Lunes, bumaba na sa 18.3ºC ang temperatura, alas-6:00 ng umaga.


Ito’y dahil patuloy pa ring apektado ng Northeast monsoon o Amihan ang Luzon. Dulot nito, makaaasa na magiging maulap na may mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at sa mga probinsya ng Aurora at Quezon.


Bukod dito, may gale warning pa rin sa mga karagatan ng Luzon, Visayas at silangan at hilagang baybayin ng Mindanao.


Samantalang sa Eastern Visayas, Caraga at Northern Mindanao, makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pulo-pulong pagkidlat-pagkulog dahil naman sa trough ng low pressure area (LPA).


Huling namataan ang LPA sa layong 2,000 kilometro pa sa PH area of responsibility (PAR). Posibleng pumasok ito ng PAR pero matatagalan pa.


Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, magiging bahagyang maulap na may pulo-pulong mahinang pag-ulan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Temperatura sa Metro Manila, sumisid na sa 18.3°C


No comments:

Post a Comment