Monday, February 2, 2015

Cavs pinaluhod ang 76ers

TUMIPA ng 24 puntos si Kyrie Irving habang bumakas si basketball superstar LeBron James ng 18 points upang kaldagin ng Cleveland Cavaliers ang Philadelphia 76ers kanina sa regular season ng 2014-15 National Basketball Association (NBA).


Sinahugan ni point guard Irving ng tig-limang assist at rebound habang 11 assist ang dinagdag ni four-time MVP James para itarak ang 30-20 win-loss record at 11-game winning streak ng cavaliers.


Ang winning streak ng Cleveland ang pinakamahaba sapul ng makamit nila ang 13 in a row noong 2010 sa huling season ni James sa team bago lumipat sa Miami Heat.


Ngayong season bumalik si James sa Cleveland.


Nagsumite naman si Kevin Love ng 15 boards habang kumana ng clutch 3-pointer si Matthew Dellavedova para sa Cavs.


Sina Robert Covington at Jerami Grant ang nanguna sa opensa para sa Sixers matapos magtala ng tig-18 puntos.


Samantala, pinutol ng New Orleans Pelicans ang 19-game winning streak ng Atlanta Hawks matapos ang 115-100 pagkatay ng una sa huli.


Tumapos si Anthony Davis ng 29 pts. at 13 rebounds para sa Pelicans upang silatin ang Hawks.


Sa ibang NBA resulta, kinuryente ng Oklahoma City Thunder ang Orlando Magic, 104-97, habang sinilat ng Brooklyn Nets ang Los Angeles Clippers, 102-100. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Cavs pinaluhod ang 76ers


No comments:

Post a Comment