BUMULUSOK pa sa 9.8°C ang temperatura sa Baguio City kaninang madaling-araw (Pebrero 2).
Ito na ang pinakamalamig na naitala sa Summer Capital ngayong taon, ayon sa pahayag ni PAGASA weather forecaster Alvin Pura.
Samantala, naitala naman ang 18.3°C sa Metro Manila kaninang madaling-araw din na bahagyang mas mataas kumpara sa 18.1°C na pinakamalamig na nairekord nitong nakaraang Enero 27.
Ayon sa PAGASA, maaaring magpatuloy pa ang pagbagsak ng temperatura hanggang ngayong Pebrero dulot ng northeast monsoon o hanging Amihan. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment