AABOT sa 12.4 milyon Pilipino ang walang trabaho, kung saan ito na ang pinakamataas na bilang simula noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Ayon sa Social Weather Station (SWS), ang naturang bilang ng walang mga trabaho ay umabot sa 12% na mas mataas kumpara nitong nakalipas na Disyembre na 27.5%.
Sinabi ng SWS na isinagawa ang survey nitong nakalipas na Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 matapos tanungin ang may 1,800 respondent sa bansa.
Kaugnay nito, positibo naman ang mga Pilipino na makakahanap din sila ng trabaho sa taon ito kung bababa ang unemployment rate sa bansa.
Samantala, sinabi naman ng SWS na ang net optimism sa job vacancies ay tataas ng apat na puntos mula sa +12 ay tataas ito ng positive +16 sa third quarter subalit mananatili ang rating sa pantay na kategorya.
Sinabi pa ng SWS na ang mabagal na pagtaas ng gross domestic product (GDP) mula sa 7.2% ng 2013 hanggang sa 6.1% percent sa 2014 na nagresulta ng unemployment rate nitong 2013 at 2014.
Ayon sa SWS survey, kinokonsedera nila na ang taong may trabaho ay ‘yung nagtatrabaho kabilang ang unpaid family members.
Habang ang mga jobless naman ay ‘yung mga walang trabaho, hindi nagtatrabaho kabilang dito ang housewives, estudyante at iba pa. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment