KINUWESTYON sa Korte Suprema ang kontrobersyal na Comelec Resolution 9922 na naggagawad ng binansagang “midnight deal” sa Smartmatic-TIM.
Ang petisyon ay inihain ng mga bumubuo ng Automated Election System O AES Watch na kinabibilangan nina Bishop Broderick Pabillo ng CBCP public affairs; Dating Comelec Commissioner Augusto Lagman; Center for People Empowerment in Governance Executive Director Evita Jimenez, executive director at pitong iba pang indibidwal.
Sa petisyon ay hiniling nila na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na pipigil sa pagpapatupad ng Comelec Resolution No. 9922 na naggagawad ng diagnostic service sa mga PCOS machine sa Smartmatic-TIM sa halagang P300-million.
Nanindigan ang mga petitioner na may grave abuse of discretion sa panig ng Comelec at sinadya nitong paikutan ang Government Procurement Law para maipilit ang midnight deal.
Para sa AES watch, iligal ang kinukuwestyong Comelec Resolution dahil mangangahulugan ito ng pagpasok sa negotiated contract.
Mas pabor ang mga petitioner na idaan sa competitive bidding ang pagsasaayos sa mga lumang PCOS machine dahil sa paniwalang mas transparent ang prosesong ito at mas bentahe sa gobyerno.
Wala rin umano sa posisyon ang Smartmatic para mag-alok ng extended warranty sa PCOS dahil hindi naman ito ang nagmanufacture ng mga makina. TERESA TAVARES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment