Monday, February 2, 2015

Sunog sa Pasig: 40 pamilya nawalan ng tahanan

UMABOT sa 40 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang magkasunog sa Pasig City kaninang umaga.


Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan nang matupok ng apoy ang mga bahay sa Rodriguez cmpd. sa Bgy. Rosario, Pasig City.


Nagsimula ang sunog bandang alas-5:15 ng umaga na umabot sa unang alarma at idineklarang under control bandang alas-6:00 ng umaga.


Tuluyan itong naapula alas-6:30 ng umaga.


Karamihan sa nilamon ng apoy ay ang mga bahay na gawa sa light materials. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Sunog sa Pasig: 40 pamilya nawalan ng tahanan


No comments:

Post a Comment