HINILING ng isang mambabatas kay Pangulong Benigno Aquino III na ipamahala ang National penitentiary sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para maiwasan ang karahasan sa facility.
Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, kailangan nang pamunuan ng AFP ang New Bilibid Prison (NBP) dahil sa lumalalang sitwasyon sa loob ng pambansang piitan kung saan ginagawa ang mga iligal na gawain kabilang na ang smuggling ng mga baril, explosives, prostitution workers, communication gadgets, signal boosters, scanning at jamming devices, alcoholic drinks, domesticated animals kabilang na ang panabong na manok at nagagamit pa ito sa manufacturing ng illegal drugs.
Aniya, batay sa report ng officer-in-charge ng maximum security compound, aabot sa 78% ng mga inmates ang nagpositibo sa droga noong Hulyo 2, 2014.
Noong Nobyembre 11, narekober naman ang 235 grams na droga sa isinagawang raid sa piitan.
Dahil dito, hiniling ni Erice sa Pangulo na ilipat na ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pamamahala sa AFP pero ito’y temporaryo lamang.
“The 1987 Constitution designated the President as the Commander-in-Chief of all Armed Forces of the country and whenever it becomes necessary, to call out such Armed Forces to prevent lawless violence, invasion or rebellion,” ani Erice.
Naniniwala ang kongresistang malalagay sa kaayusan ang bilibid kapag hawak ito ng militar. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment