Monday, February 2, 2015

Pag-ulan sa Bulgaria walang tigil, 5 todas

LIMANG katao ang nasawi makaraang bahain bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa European country na Bulgaria.


Kinumpirma ni Deputy Prime Minister Tomislav Donchev na kabilang sa mga nasawi ang 45-anyos na lalaki at siyam na taong gulang na anak nito matapos silang anurin sa ilog sa southwestern Bulgaria.


“Later on, a car with a two-member family on board fell into the river in the town of Devin in the Rhodope Mountains, some 200 km. southeast of the Bulgarian capital Sofia. Their bodies have not yet been found,” ani Krasimir Shotarov na siyang head ng regional Fire Safety and Protection of Population Directorate.


Matatandaang noong nakaraang taon ay binayo rin ng malakas na pag-ulan ang naturang bansa na nakapagtala rin ng maraming casualties. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-ulan sa Bulgaria walang tigil, 5 todas


No comments:

Post a Comment