Wednesday, February 25, 2015

Sulu inuga ng magnitude 5.5 na lindol

HABANG nagbabakbakan ang tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) bandits sa Pangutaran, Sulu, kaninang 9:20 ng umaga, inuga naman ng magnitude 5.5 ang bayan ng Pangutaran, Sulu dakong 9:31 a.m.


Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 91 kilometro timog-kanluran sa bayan ng Pangutaran.


Tectonic ang origin nito at may lalim na 17 kilometro.


Naramdaman ang pagyanig sa intensity III sa Languyan, Tawi-Tawi samantalang intensity II sa Isabela, Basilan.


Walang inaasahang pinsala ang Phivolcs pero posible anilang may mga aftershocks. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Sulu inuga ng magnitude 5.5 na lindol


No comments:

Post a Comment