Wednesday, February 25, 2015

DPWH employee, kulong sa droga

SWAK sa kulungan ang isang empleyado ng Dept. Public Work and Highways (DPWH) matapos madakip sa isang buy-bust operation makaraang pagbilhan ng shabu ang isang poseur-buyer sa Maasin City, Leyte nitong nakalipas na Pebrero 22, 2015 (Linggo).


Kinilala ni Usec. Arturo G. Cacdac, Jr., Dir. Gen. ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang suspek na si Osman Gamohay, 32, construction maintenance ng DPWH Provincial Office sa Southern Leyte at residente ng Purok 2, Mahayahay, Maasin City, Leyte.


Ayon sa PDEA, dakong 6:00 ng gabi nang pumayag ang suspek na si Gamohay na makipagkita sa isang poseur-buyer sa kanilang lugar sa Purok 2, Mahayahay, para magbenta ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.


Matapos iabot ng suspek ang shabu sa isang poseur-buyer ng PDEA, agad dinakip ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 8 (PDEA RO8) sa ilalim ni Director Laurefel Gabales.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Maasin City Police Office jail facility. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



DPWH employee, kulong sa droga


No comments:

Post a Comment