Tuesday, February 24, 2015

Romeo, Accel-PBA Press Corps Player of the Week

NAMUHUNAN ng lakas ng loob at sipag si GlobalPort Terrence Romeo kaya naitataguyod niya ang kanyang koponan sa panalo.


Sa tulong ni 22-year old Romeo, nabitbit nito ang GlobalPort sa dalawang sunod na panalo sa nagaganap na 2015 PBA Commissioner’s Cup.


Naglista ng 24.5 points, 4.5 rebounds at 1.5 assists nitong nagdaang linggo ang 5-foot-10 Romeo kaya naman nakasalo nila sa fifth place ang defending champion Purefoods Star Hotshots tangan ang tig 4-3 win-loss records.


Tumikada ng 25 puntos si Romeo na nakipagtulungan sa kanilang import na si Calvin Warner upang igiya ang Batang Pier sa 99-81 panalo kontra Barako Bull.


“Para sa akin, confidence lang talaga saka si Calvin, sobrang dami na niyang nilaruan. Beterano na siya, and very vocal sa sinasabi niya, dito ka malilibre, or sa pick and roll, gamitin mo ako, kasi bantay ko ganito,” pahayag ni Romeo.


Pagkaraan ng apat na araw, lumiyab sa second quarter si Romeo para kargahin naman ang 101-78 win sa Blackwater Elite.


Dahil sa ipinakitang tikas ni dating Far Eastern University (FEU) star player Romeo ay tinanghal siyang Accel-PBA Press Corps Player of the Week (Pebrero 16-22). ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Romeo, Accel-PBA Press Corps Player of the Week


No comments:

Post a Comment