Tuesday, February 24, 2015

Pag-dismiss kay Cudia, kinatigan ng korte

KINATIGAN ng Supreme Court (SC) ang pag-dismiss kay Cadet Aldrin Jeff Cudia sa Philippine Military Academy (PMA) noong 2014 dahil sa paglabag sa honor code.


Nakasaad sa resolusyon ng Korte Suprema na hindi nilabag ng PMA ang karapatan sa due process ni Cudia ng ipatupad nito ang patakaran sa pagdidisiplina dahil sa pagsisinungaling ni Cudia.


Ayon sa korte, ang PMA bilang pangunahing training at educational institution ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ay may karapatan na ipairal ang rules and regulations gaya ng Honor Code at Honor System.


Magugunita na inalis si CUdia sa PMA at hindi pina-graduate matapos madiskubre ng board na nagsinungaling ito nang ma-late sa klase.


Iginiit ng SC na reponsibilidad ng isang kadete ng PMA na ipakita ang pinakamataas na standard of honor.


Iginagalang umano nila ang naging findings ng PMA sa kaso ni Cudia at walang dahilan upang kontrahin nito ang desisyon ng PMA. TERESA TAVARES


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-dismiss kay Cudia, kinatigan ng korte


No comments:

Post a Comment