NILAPATAN ng lunas sa ospital ang sugatang pulis na nagsisilbing overseer sa area para sa iuuwing mga labi ni PO3 Noel Golocan na isa sa mga napatay sa Mamasapano encounter.
Kinilala ang biktimang si SPO3 Wilfred Degay mula sa intel unit ng Police Regional Office Cordillera (PRO-COR) na pinagbabaril ng pinaniniwalaang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Dugo Bangaan, Sagada, Mt. Province.
Nasa kritikal na kondisyon si Degay dahil sa apat na tama ng bala sa kanang dibdib na nilalapatan ng lunas sa St. Theodore Hospital ng Sagada pero inilipat sa Bontoc General Hospital.
Dahil sa nangyari ay hindi natuloy ang pagbibiyahe sa mga labi ni PO3 Golocan at napagdesisyunang ngayong madaling-araw ito dadalhin sa Sagada.
Sa ngayon ay nakalagak pa rin ang bangkay nito sa Bontoc, Mt. Province habang lalo pang hinigpitan ang seguridad sa naturang lugar at pinagbawalang pumasok ang mga hindi taga-Norte. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment