Monday, February 2, 2015

Pagkamatay ng sundalong Kano sa Mamasapano, ipinabubusisi

IKINAKASA na ng kamara ang malawakang imbestigasyon sa tunay na papel ng puwersang Amerikano sa “Oplan Wolverine” sa Mamasapano.


Ang pagbusisi ay sa kabila ng pagtanggi mismo ng Palasyo at Federal Bureau of Investigation (FBI) na may kinalaman ang mga banyaga sa operasyon ng PNP-Special Action Force sa dalawang terorista sa Maguindanao.


Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Carlos Zarate, may mga testigo sa Maguindanao na nagsasabing may nakita silang bangkay ng sundalong Caucasian sa mismong lugar ng engkuwentro.


Mismong tagapagsalita aniya ng grupong Suara Bangsamoro na si Zokor Aba ang nakipag-usap sa saksi na sinasabing humipo pa sa ilong ng patay na dayuhang sundalo.


May isa pa aniyang testigong nagsabi na may nakita silang dumating na helikopter sa lugar at kinuha lamang ang ilang bangkay. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkamatay ng sundalong Kano sa Mamasapano, ipinabubusisi


No comments:

Post a Comment