IPINATUPAD ngayong Martes, Pebrero 3, ng mga kumpanya ng langis ng kaltas-presyo sa diesel.
Nabatid na alas-12:01 ng madaling-araw nang nag-rollback ang Shell, Petron, Seaoil at PTT Philippines ng P0.30 sa kada litro ng diesel.
Sunod namang nagtapyas ang Phoenix Petroleum Philippines at Total, alas-6:00 naman ng umaga, sa kaparehong halaga sa diesel.
Paglakas ng halaga ng piso at paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado ang sinasabing dahilan ng rollback.
Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment