SIMULA nang mag-resign si former PNP chief Gen. Alan Purisima hanggang ngayon ay nanatili pa ring officer-in-charge o OIC ang pinuno ng Pambansang Pulisya si Gen. Leonardo Espina.
Alam natin na ang bawat kapulisan na nagsusuot ng uniporme ng pulis ay nangangarap na maging PNP chief.
Pero tanging ang Pangulo ng Republika lamang ang siyang may karapatan na mamili ng magiging hepe ng kapulisan ng PNP.
Ang pangunahing pinagbabasehan ng Pangulo sa pagpili niya ay makakatuwang niya sa kanyang mga layunin, adhikain at pangarap para sa ating bansa.
Kung tutuusin, maraming mga official ng PNP ngayon ang nangangarap na maging PNP chief, pero ang tanong, karapat-dapat ba sila?
Pwedeng maging permanenteng PNP chief si Gen. Leonardo Espina pero ilang buwan na lang ang natitira at magreretiro na rin po siya!
Kabilang din sa mga pinagpipilian o contender na maging PNP chief ay itong sina CIDG chief Gen. Benjie Magalong, former NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo at si Directorate for Operation Gen. Ricardo Marquez.
Pero kung ako kay Pang. Noynoy Aquino mas nararapat na maging PNP chief ay itong si Gen. Magalong.
Simula kasi nang maupo si Gen. Magalong bilang CIDG chief ay umaabot na kaagad sa 88 ang naaresto nitong mga most-wanted sa bansa.
Si Gen. Magalong din ang nagbulgar sa mga katiwalian na nangyayari sa PNP gaya ng AK-47.
Buong tapang din na pinangunahan na sagupain ni Gen. Magalong ang kaguluhan sa Bicutan Siege.
Si Gen. Magalong ang nararapat na maging PNP chief dahil sa bukod sa magagandang accomplishment na ginawa nito ay matagal pa silang magkakatuwang ni PNOY sa kanyang layunin!!!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment