Wednesday, February 25, 2015

PNOY, KINAIN NG BITTERNESS

PATULOY ang pagpukol ng mga mamamayan ng mga hindi kanais-nais na salita kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kawalan ng huli ng pakialam sa damdamin ng mga pamilyang naulila ng mga sinadista at pinaslang na 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).


Bilang Pangulo ng bansa, kailangang igalang si Pangulong Aquino dahil sa kanyang posisyon sa pamahalaan. Hindi siya dapat binabato ng mga salitang hindi karapat-dapat sa kanya.


Subalit may katwiran din naman ang mga mamamayang pumupukol kay Pangulong Noynoy ng mga nakasasakit sa damdaming salita sapagkat tila wala na rin ito sa tamang wisyo o katinuan sa mga binibitiwang salita na dapat sana ay magpapalubag-loob sa mga namatayan.


Palibhasa’y isinilang na may gintong kutsara sa kanyang bunganga (bibig pala), walang pakialam si Pangulong Aquino kung ano ang mararamdaman ng mga naulila ng mga alagad ng batas na isinubo niya at ni Gen. Alan Purisima ang buhay sa hukay.


Basta ang alam niya ay mapapawi ang sakit at hapding nararamdaman ng mga naulila ng salaping kanilang inihahain sa harapan ng mga ito.


Pero butata si Pangulong Noynoy nang sabihin ng mga pamilya na hindi matutumbasan ng salapi ang kanilang pangungulila sa kanilang mahal sa buhay.


Sabi ni Pangulong Aquino, nararamdaman din niya ang nararamdaman ng mga naulila dahil siya man ay nawalan din ng ama mahigit 30-taon na ang nakararaan.


Kung ganoon, bakit hindi siya naging maingat sa pagbibitiw ng salita? Bakit kailangang sabihin pa niya na “tabla-tabla lang tayo?”


Bakit ang mga SAF ba ang pumatay sa erpats niya? Pulis nga siguro o militar ang pumatay sa tatay niya pero bakit kailangang ang magdusa ay ang pamilya ng ibang miyembro ng alagad ng batas?


Punom-puno pala ng pait ang dibdib niya dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, sana muli siyang gumawa ng paraan para mabuksan ang kaso ng kanyang ama at ipinakulong ang mga may sala.


Hindi niya dapat ipasa sa ibang tao ang pait sa kanyang dibdib bunga ng kawalang katarungan sa pagkamatay ng kanyang magulang. Kaya nga ang payo ng inaanak kong si Dr. Gette Evangelista Lee, maging matalino sa pagboto sa 2016 elections.


Huwag pumili ng Presidente na kinain ng bitterness ang buhay. Hoy, PNOY, mag-move on ka na.


HAPPY GOLDEN YEARS TO EDILBERTO MUSNI, of EMPIRE EAST LAND HOLDINGS INC. More to come and celebrate. PAKUROT/LEA BOTONES


.. Continue: Remate.ph (source)



PNOY, KINAIN NG BITTERNESS


No comments:

Post a Comment