Tuesday, February 24, 2015

PNoy, may nalabag sa Mamasapano incident — Zamora

MALAKI ang paniwala ni House Minority Leader Ronaldo Zamora na lumabag sa Chain of Command si Pangulong Aquino sa pagpapatupad ng Oplan Exodus.


Sinabi ito ni Zamora sa kabila ng ginawang pagpapaliwanag ni Pangulong Aquino sa mga kongresistang ipinatawag sa Maslakanyang kamakalawa.


Ayon kay Zamora, para sa isang pangulo ng bansa ay mali ang ginawa ni Pnoy na hindi ipinaalam sa lider ng mga ahensyang sangkot sa operasyon ang plano.


Maaari rin aniyang nagkamali ang pangulo sa sa mga taong pinagkatiwalaan nito.


Si Zamora ay kasama sa mga lider ng Kamara na pinulong ni Pnoy kamakalawa sa Malakanyang kung saan ipinaliwanag umano ng pangulo ang kanyang mga ginawa kaugnay ng madugong insidente.


Bagama’t hindi naman aniya sinabi ng pangulo na nagsinungaling sina resigned PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF chief Getulio Napeñas, iginiit nito na hindi naipaalam sa pangulo ang katotohanan.


Maging si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ay nagsabing sina Purisima at Napeñas ay maaaring sumabit sa kaso ng insubordination kaugnay ng Oplan Exodus.


Sinabi rin ni Biazon na lumalabas na ang mabibigat na utos ni Pangulong Aquino sa dalawa ay hindi sinunod ng mga ito.


Binigyan-diin ni Biazon na mabigat ang kaso ng insubordination at sa katunayan, base sa Articles of War ay kamatayan sa pamamagitan ng firing squad pa ang parusa dito kung nagawa ang kasalanan sa panahon ng giyera.


Ang inaasahan ngayon ni Biazon ay didisiplinahin ni Pangulong Aquino sina Napeñas at Purisima lalo na kung lumabas sa imbestigasyon ng Board of Inquiry (BOI) ang detalye ng insubordination ng mga ito. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy, may nalabag sa Mamasapano incident — Zamora


No comments:

Post a Comment