PANGONGOTONG lang [daw] ang hinahagilap ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) tuwing magsasagawa ang mga ito ng checkpoints sa lungsod.
Masakit naman na paratang ito. Subalit masasaktan lamang ang mga pulis ng QCPD na ang tunay na hangarin ay makasakote ng kriminal sa checkpoints tulad ng riding-in-tandem.
Nawa’y umiikot-ikot ka naman itong si QCPD director P/Chief Supt. Joel Pagdilao upang magabayan niya ang kanyang mga tauhan na tapat sa tungkulin at ganun din, mahuli niya ang mga ‘kotong cops.’
Ang alam ko kasi ay pinaigting ng pulisya ang pagsasagawa ng checkpoints dahil na rin sa tumataas na bilang ng krimen lalo na ang kasong pagpatay gamit ang motorsiklo.
Ang paglalagay ng checkpoints ang naiisip na paraan ng pulisya upang tugunan ang banta ng riding-in-tandem sa ating lipunan. Holdaper gamit ang motorsiklo at ito rin madalas ang gamit nung mga pumapatay.
E, bakit ganoon.. Gen. Pagdilao? Kriminal dapat ang sinasakote pero paglabag sa batas-trapiko ang kinakana ng mga bata mo sa lansangan. Anak ng tokwa!
Mag-asawa halimbawa na lulan ng motorsiklo, pinahinto ng mga pulis… hinalungkat pero malinis tapos hihingiin ang lisensya dahil wala raw helmet si misis.
Aba’y dapat hinahayaan na ang paglabag sa batas-trapiko sa mga pulis-trapiko o kaya ay sa mga traffic enforcer. Kayo riyan sa checkpoint na mahahabang baril pa ang bitbit… kriminal ang asikasuhin ninyo!
Kaya lamang kapag ganoon ang gagawin ng mga bata ni Gen. Pagdilao ay tiyak na walang kikitain tsk! tsk! tskk!… mawawalan sila ng dilihensya habang isinasagawa ang checkpoints. …’nyeta!
***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment