PATAY ang isang 29-anyos na lalaki matapos saksakin ng pedicab driver sa Port Area, Maynila.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Toto Villamor, ng 11th St., Port Area.
Arestado naman ang suspek na si Vicente Sabalde, 66, ng nasabi ring lugar.
Sa report ni PO3 Marlon San Pedro, ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente sa kahabaan ng Roberto Oca St., Port Area.
Sa pahayag ni Noel Fernandez, bago naganap ang insidente ay nagtalo umano ang dalawa hinggil sa bayad sa pagsakay ng biktima sa pedicab na minamaneho ng suspek.
Umabot ito sa suntukan hanggang sa bumunot na ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.
Agad namang naaresto ang suspek ni SPO1 Gene Reyes, ng Manila Traffic Bureau na noo’y nagmamando sa daloy ng trapiko sa lugar. JOCELYN TABANCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment