Monday, February 2, 2015

Pagkamatay ni Marwan, kinumpirma ng MILF

MARIING kinumpirma ng mataas na lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na napatay sa operasyon sa Maguindanao si Malaysian terrorist Zulkifli Bin Adhir, alyas Marwan.


Ayon kay MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal, muli nitong kinumpirma na patay na si Marwan ayon sa kanilang intelligence community.


Pinasinungalingan ni Iqbal ang mga naging pahayag ng MNLF na buhay si Marwan.


Sinabi ni Iqbal na hindi konektado sa MILF ang tagapagsalita ng MNLF na nasa ilalim ni Nur Misuari. Hindi umano siya makapagbibigay ng komento sa naging pahayag ng MNLF.


Hinamon ni Fontanilla ang pamahalaan na kumuha ng DNA report mula sa independent body na magpapatunay na patay na nga si Marwan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkamatay ni Marwan, kinumpirma ng MILF


No comments:

Post a Comment