MALAKING panghihinayang ang nararamdaman ngayon ng dating kongresistang si Jose “Peping” Cojuangco sa pagsuporta sa pamangking si Benigno Aquino III noong 2010 elections.
Ito’y dahil sa hindi na magandang pamamalakad ng administrasyong Aquino taliwas sa ‘Tuwid na Daan’ na isinusulong ng Pangulo.
Inamin ni Cojuangco na ayaw niya ang mga taong nakapaligid sa Pangulo na siyang nakaaapekto sa paggawa ng sariling desisyon.
Giit ng dating kongresista, kumilos ang Pangulo para magkaroon ng reporma sa bansa bago matapos ang kanyang termino sa 2016.
Muling binuhay ng tiyuhin ng Pangulo ang isyu sa reporma sa election dahil naniniwala siyang makakamit ang demokrasya kung magkakaroon ng malinis na halalan.
Una nang sinabi ni Cojuangco na mistulang na-“magic” ang resulta ng nakaraang halalan kaya gusto niya ng reporma sa susunod na election.
Paliwanag pa niya, noong nakaraang halalan ay mahigit sa kalahati ng lahat ng voting precinct sa bansa ay 85 hanggang 100 na porsyento na registered voters ang nakaboto.
Imposible umanong mangyari ito dahil sa sistema at makina na gamit sa halalan, at sa kanyang pagtaya ang 70 porsyento sa mga botanteng nakaboto ay mataas na.
Kapag hindi niya nagawa ang panawagang reporma ay mas mabuti raw na kusa na lamang siyang bumaba sa puwesto. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment