KAUGNAY sa pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng unang EDSA People Power, nag-alay ng bulaklak si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani para sa mga sundalong aktibong nakibahagi sa 1986 EDSA People Power.
Sa harap ng mga dumalong pulis, sundalo at maging mga veteran soldier kasama ang mga sibilyan at matataas na opisyal tulad ni Vice-President Jejomar Binay, sinabi ni Ramos na mahalagang isabuhay ang diwa ng EDSA dahil isa ito sa mga naging pinakamatagumpay na rebolusyon para makamit ang kalayaan ng bansa.
Kasabay nito, umapela si FVR sa sambayanan na balikan ang ating kasaysayan at magkaisa bilang isang bansa dahil ito mismo ang kailangan natin ngayon lalo pa’t nasa gitna ng krisis ang bansa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment