PINALALAKAS pa rin ng low pressure area (LPA) ang mga pag-ulan at kaulapan sa silangang bahagi ng Mindanao.
Sa ulat ng PAGASA, bagama’t hindi ang direktang LPA ang tumatama sa katimugang bahagi ng ating bansa, ekstensyon naman ng naturang namumuong sama ng panahon ang nagdadala ng makapal na ulap.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,400 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Kaugnay nito, ang Caraga region ay magiging makulimlim na may biglaang pagbuhos ng ulan lalo na sa dakong hapon at gabi.
Samantala, malabo namang direktang manalasa ang weather disturbance formation dahil sa umiiral na ridge of high pressure area (HPA) sa Northern Luzon. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment