Monday, February 2, 2015

Catanduanes, niyugyog ng magnitude 6.2 na lindol

NIYUGYOG ng magnitude 6.2 na lindol ang Catanduanes, na naramdaman alas-11:13, Lunes ng gabi.


Sa ulat ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 91 kilometro hilagang-silangan sa bayan ng Virac.


Tectonic ang origin nito at may lalim na tatlong kilometro.


Naramdaman ang lindol sa:


Intensity V – Gigmoto, Catanduanes


Intensity IV – Virac, Catanduanes


Intensity III – Panganiban, Catanduanes; Sorsogon City, Legazpi City; Irosin at Prieto Diaz, Sorsogon


Intensity II – Naga City, Masbate City, Quezon City


Intensity I – Manila


Sinabi pa ni Phivolcs researcher Dante Soneja na sa bahagi ng karagatan naitala ang lindol.


Ayon naman kay Catanduanes Gov. Araceli Wong sa central ng Virac, naramdaman nila ang pagyanig na medyo mataas pero ‘di nila alam kung ano ang lakas.


Wala naman aniyang napabalitang pinsala sa kanilang lugar. “‘Yung yanig naramdaman pero walang tsunami, walang abnormality sa dagat.”


Partikular naman sa Legazpi City, iniulat na malakas ang naging pagyanig na nagtagal ng 15 hanggang 20 segundo. May ilang residente ang nagsabing sila’y nagising at lumabas ng kanilang bahay. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Catanduanes, niyugyog ng magnitude 6.2 na lindol


No comments:

Post a Comment