Sunday, February 1, 2015

OPINYON NG COLONEL PARA HUWAG MASIRA ANG PANGULO

BIGYAN natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang opinyon ng isang dating police colonel tungkol sa pagkakapatay sa 44 ng Philippine National Police – Special Action Force (SAF) noong linggo sa Mamasapano, Maguindanao.


Eto basahin natin:


“Bilang pangkalahatang pinuno ng ating Hukbong Sandatahan.


“Ang dapat na ginawa ng ating Pang. Noynoy Aquino na i-compartmentize muna niya ang operations na walang ibang nakaaalam kundi siya lamang at ang kanyang pinagkakatiwalaan.


“Sa pangyayari, dapat maingatan at proteksyunan at huwag masira ang ating Pangulo at kung succesful naman ang operation ay saka roon palang dapat siya lumutang.


“Dahil sa operasyon na ito ay nakaladkad din ang pangalan ni Gen. Alan Purisima sa pagkamatay ng 44 na SAF troopers.


“Dapat ang ginawa ni PNOY ay hindi na muna niya inilutang ang pangalan ni Purisima at sila lang dapat ang nakaaalam ng operations at ang PNP-SAF chief na si Gen. Getulio NapeƱas.


“Kulang sa kamada at pag-iingat ang nangyari!!!”


BOOKIES COP SA NCRPO NAKA-DUTY


Ibang klase talaga itong si PO2 Presnedi ng NCRPO na gumagamit na codename na Tontong at Pacnoy.


Sa kabila ng operator siya ng bookies ng karera at lotteng ay patuloy naman siyang nagkukubli sa bakuran ng NCRPO ng hindi ginagalaw ni NCRPO chief Gen. Mel Valmoria.


Halos nakopo na lahat ni Presnedi ang operasyon ng bookies at lotteng sa buong Maynila.


‘Yung lahat na mga naka-umbrella sa mga big-time gambling operator na tumigil na ay sinalo lahat ng mamang pulis na ito.


Pero magtataka ka bakit hindi siya hinuhuli ni Gen. Valmoria ganong nasa bakuran na niya ang pulis na ito?


Magkano nga ba, este, bakit nga ba Gen. Valmoria?


Tangna n’yo, hehehehe..


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



OPINYON NG COLONEL PARA HUWAG MASIRA ANG PANGULO


No comments:

Post a Comment