Tuesday, February 24, 2015

Gov’t officials na sangkot sa droga, sumirit

INIHAYAG kaninang umaga (Pebrero 24) ng Phillippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mas dumarami ang bilang ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan ang sangkot ngayon sa illegal drug trade.


Lumabas mula sa PDEA’s 2014 Annual Report na may 190 public officials, na kinabibilangan ng may 56 elected officials, 49 law enforcers at 85 government employees ang nasilo sa drug-related offenses.


Sinabi ni PDEA Director General Arturo Cacdac, Jr. na ang nasabing bilang ay kahalintulad ng 37.68% na mas mababa kaysa nitong nakaraang taon na may 138 government officials lamang ang nalaglag sa kasong illegal drugs.


Kapansin-pansin din na ang 2014 figures ay ang pinakamataas na naitala ng PDEA simula noong 2011.


Sa kabuuan na natiklong 56 elected officials, isa rito’y municipal councilor sa Matanog, Maguindanao, habang ang 55 iba pa ay kundi mga barangay chairman o mga barangay kagawad.


Sa mga law enforcers, ang pinakamataas na opisyal ng kapulisan na nadakip ay isang police chief inspector.


Karamihan naman sa nakuwelyuhang government officials at employees ay sa Ilocos Region na may 25, na sinundan ng Eastern Visayas na may 22.


Nasa unahan naman ng listahan ang Zamboanga Peninsula na may 10 pulis na nahulihan ng illegal drugs habang walo naman sa Northern Mindanao.


“It is alarming that more and more government officials and law enforcers are getting involved in illegal drug activities when they are supposed to implement the law, maintain peace and order in their area and promote the well-being of the people,” pahayag ni Cacdac. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Gov’t officials na sangkot sa droga, sumirit


No comments:

Post a Comment