Monday, February 2, 2015

Nagpapasuspinde ng deliberasyon ng BBL, lumolobo

PATULOY ang paglobo ng mga kongresistang humihiling na suspindehin na ang deliberasyon sa Bangsamoro Basic Law hangga’t hindi pa naisusumite ang resulta ng maraming imbestigasyon ukol sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP-SAF.


Nagkaisa ang 39 na Partylist Representatives na pawang nasa Mayorya na suportahan ang panawagang itigil na ang deliberasyon sa BBL.


Naglabas ng iisang posisyon ang Partylist Coalition Foundation, Inc. sa pamumuno ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones kung saan nakasaad na “to call for the suspension of the Talks and Negotiations for BBL now being tackled in the House of Representatives ad hoc committee, until such time we are able to determine the culpability of the responsible groups involved.”


Kasabay nito ay nanawagan ang grupo para sa imparitial independent investigation sa Kamara kasunod ng pagkondena sa naganap na insidente.


Hustisya para sa Fallen 44 ang ngayo’y isinusulong ng Partylist coalition.


Nauna ng nanawagan ang Saturday Group sa Kamara na itigil ang deliberasyon sa BBL hangga’t hindi isinosoli ng MILF at BIFF ang lahat ng armas at gamit na kanilang kinuha sa mga napatay na miyembro ng PNP-SAF maging sa pagsusuko sa mga sangkot sa engkuwentro ay iginiit ng mga ito.


Ang Saturday Group ay kinabibilangan nina Magdalo Rep. Gary Alejano at Ashley Francisco Acedillo, ACT-CIS Partylist Rep. Samuel Pagdilao, Antipolo Rep. Romeo Acop at Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Nagpapasuspinde ng deliberasyon ng BBL, lumolobo


No comments:

Post a Comment