Monday, February 2, 2015

7 katao, hinoldap saka hinubaran

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang pitong katao matapos holdapin at hubaran ng dalawang holdaper sa isang restaurant sa Quezon City ngayong araw, Pebrero 3.


Kinilala ni Quezon City Police district director Chief Supt. Joel Pagdilao ang mga biktimang sina Dan Marvin Anota, 31, database analyst ng Bernardino St., Guadalupe, Makati; Joana Tabas Saisaki, 26, medical representative ng Rainbow Village, Bayombong, Caloocan; Christian Cruz, 27, seaman, ng Pasong Tamo, QC; Dante Aquino, accountant ng Palmera Homes, Sta. Monica, QC; Rose Ann Bersale, 25, cashier, ng Bgy. Payatas, QC; Christian Liberata, 25, cook/waiter, ng Bgy. Dela Paz, Antipolo City at Anthony Villarin, stay-in cook ng hinoldap na restaurant.


Tumakas naman ang dalawang suspek na kapwa armado ng short firearms at sakay ng isang orange na Mio Motorcycle na hindi naplakahan.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:50 ng hapon sa Hoy Panga Restaurant sa #73 Commonwealth Ave.m Bgy. Greater Fairview, QC.


Nabatid na nagpanggap na mga kostumer ang dalawang armadong holdaper at nang nasa loob na ng establisyimento ay nagsibunot ang mga ito ng baril sabay deklara ng holdap.


Isa-isa ring dinala sa comport room ang mga biktima saka hinubaran para hindi na magawang makahabol at makapagsumbong sa pulisya.


Tinatayang aabot sa P1-milyong halaga ng pera at mga kagamitan ang natangay ng mga suspek na patuloy ngayong tinutugis ng pulisya. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



7 katao, hinoldap saka hinubaran


No comments:

Post a Comment