TODAS ang magkapatid habang sugatan ang isang nene matapos araruhin ng jeepney na nawalan ng preno sa Caloocan City, Lunes ng hapon, Pebrero 2.
Namatay habang ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina Jose Marifosque, 50, at kapatid na si Rey, 48, kapwa ng 1st St., Grace Park ng lungsod.
Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng mga galos sa katawan si Criscelle Athena Medes, 5, ng lungsod.
Sumuko naman sa mga pulis si Passion Juanito, 50, driver ng dyip (TXF-467) ng Galauran St., ng lungsod.
Sa ulat, ala-1 ng hapon, nag-aabang ng masasakyan ang mga biktima sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod nang araruhin ng dyip ni Juanito na nawalan umano ng preno.
Dahil dito, itinakbo ang mga biktima sa CMC habang sumuko naman sa mga pulis si Juanito. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment