HANDANG-HANDA na ang Department of Agriculture (DA) sa kakapusan ng tubig ngayong tag-araw na posibleng makaapekto sa mga pananim na palay.
Ito ang pahayag kahapon ni Agriculture Sec. Proceso Alcala.
Ani Alcala, naikasa na ng National Rice Program (NRP) at National Irrigation Administration (NIA) ang mga paraan upang makaagapay sa pagbabago ng panahon.
Dagdag pa niya, handa na rin ang Bureau of Soils and Water Management sa paggawa ng mga small-scale irrigation systems (SWIS).
Kamakailan, nanawagan si Alcala sa publiko at mga magsasaka na magtipid sa tubig kahit inanunsyo na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi magkakaroon ng El NiƱo sa mga susunod na buwan.
Gayunman, mas mabuti pa rin umano ang makasigurong hindi kakapusin ng tubig ang mga sakahan dahil nangangahulugan ito ng kakulangan ng suplay sa hapag-kainan.
Dagdag pa niya, mabuti na ang maging handa sakaling manalasa ang upang makasiguro ng magandang ani. NENET VILLAFANIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment