BAGUIO CITY – Isang teacher ng Baguio City National High School (BCNHS) ang nakatakdang sibakin sa kanyang tungkulin matapos ireklamo ng pamamalo ng kanyang mga estudyante dahil umano maingay at hindi nakatapos ng assignment.
Samantala, hindi muna pinangalanan ang Filipino teacher dahil sa patuloy na imbestigasyon sa kanyang kaso.
“Sinabi niya nag-ingay kami. Parang hindi naman totoo. Kaya ‘yon napalo kami sa puwit nang tatlong beses. Tapos nagpa-assignment daw po siya nung Friday ng nobela po. Tapos sabi niya Monday ipa-pass pero hindi rin po namin natapos kaya po pinalo po kami sa kamay po nang tatlong beses,” ayon sa nagreklamong estudyante.
Ayon sa mga estudyante, kahoy ng walis-tambo ang ginamit ng suspek sa pamamalo sa kanilang mga kamay.
Pansamantala muna inilipat ng Department of Education (DepEd) Baguio City division office ang guro sa non-teaching post habang iniimbestigahan.
Sinabi ng DepEd na isusumite nila ang resulta ng imbestigasyon sa higher authority ng education department.
“We cannot pre-empt also the outcome of whatever the actions or disciplinary action they are going to take. If they tell us, direct us to conduct further investigation, then we will do it,” ani DepEd Baguio City division office head Atty. Agustin Laban.
Ang BCNHS administration ay pinaalalahanan ang mga guro na mayroong Child Protection Policy and Anti-Bullying Act na nagbabawal sa anomang physical punishment bilang “method” ng pagdisiplina. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment